Aktor, naranasang maging plus one ng misis na influencer


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 30, 2025 | 12:00am

Lagi palang plus one noon ang actor ng misis niya isang fashion influencer.

As in lahat daw ng trip abroad ng ex-wifey ng actor ay ito ang plus one.

Personal assistant nga raw ang peg noon ng actor sa misis na sikat sa fashion world kaya very often noong mag-travel abroad para dumalo sa malalaking fashion event sa ibang bansa.

Ito ay noong ayos pa ang relasyon nila ng kanyang misis.

Ngayon ay nakaahon na si aktor sa nasabing ‘raket’ dahil may ibang karelasyon na siya na hindi niya kailangang maging PA.

Lumalaban siya sa karelasyong actress sa paramihan ng trabaho sa kasalukuyan.

Karen, may kampanya sa kurakot shaming

Ang daming meme tungkol sa mga kurakot. Ginagawa pang katatawanan as if nakakatawa talaga.

Hindi man lang naisip na ang laki nang binabayaran nating tax tapos napupunta pala sa iilang tao lang.

Kaya ang wish ng mga ordinaryong tao, ikulong at bawiin ang mga ninakaw ng mga contractor na ito na nagpapakasasa ang ilang kapamilya sa pasarap sa buhay.

At bongga si Karen Davila na may “KURAKOT SHAMING.”

Aniya sa isang chat sa X: “It’s high time.

“Sa ibang bansa, ang nagnanakaw sa gobyerno nakukulong o naghaharakiri.

“Sa Pilipinas, kina-iinggitan. Tama na.”

Andaming nag-agree kay Karen.