Aktres, maghapong pumipila sa Malasakit Center para sa inang may sakit


Alang-alang sa nanay na may sakit

Hindi nahihiya ang isang aktres na pumila sa Malasakit Center.

Ayon sa website ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) “ang Malasakit Centers (MCs) ay nagsisilbing one-stop shop para sa apat na ahensya, katulad ng: PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Department of Social Welfare and Development. Layunin ng Malasakit Centers na magbigay ng tulong medikal at pinansyal sa mga indigent at financially incapacitated na mga pasyente nang hindi na nila kailangang lumabas ng ospital para humingi ng tulong sa nasabing mga kalahok na ahensya.”

Hindi naman naghihirap ang aktres at may maliit na negosyo, pero nagtitiis siyang pumila nang maghapon para lang maka-discount sa bayarin sa hospital ng kanyang ina na sumasailalim sa dialysis.

Ang laking bagay raw nito sa mga gastusin nila sa hospital dahil sa discount ‘pag nakakakuha siya ng tulong sa mga nabanggit na ahensiya ng pamahalaan.

Identified kay Sen. Bong Go ang Malasakit Center.