Ayaw na rin ng kilalang aktres na pag-usapan ang tungkol sa kasalukuyan niyang karelasyon.
Nabanggit niya noon sa nakaraang interviews na hindi sila okay ng karelasyon niyang kilala ring male personality.
Marami ang umaasang magkakaayos na sila.
Pero nang tinanong daw ito ng isang kaibigan, ayaw na niyang mag-comment.
May matinding pinagdaraanan daw kasi ngayon si male personality na nahaharap sa isang malaking kaso.
Mahirap lang idetalye dahil medyo maselan ang kaso at wala pa naman kaming nakuhang update. Basta ang sabi lang ng ilang malapit kay male personality, mukhang matatalo siya sa kaso. Kaya natataranta raw ito at malaking eskandalo ito kapag pumutok ang balita tungkol sa kaso nito.
Abangan na lang natin kapag lumabas na ito sa news. Mahirap pangunahan. (GR)