September 9, 2025 | 12:00am
Umaani ng pagkilala ang ABS-CBN sa hanggang ibang bansa matapos itong mag-uwi ng mga bigating parangal sa Content Asia Awards 2025 na ginanap kamakailan.
Wagi ang family drama na Saving Grace g Bronze award para Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia, habang kinilala naman ang child star na si Zia Grace Bataan, na gumanap bilang Mary Grace Banaag sa serye, na Best Supporting Actress in a TV Programme/Series Made in Asia.
Ang blockbuster hit na Hello, Love, Again, na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ay naiuwi ang Bronze award sa Best Asian Feature Film na kategorya at Viewers’ Choice Award para sa Favorite Asian Movie, habang ang theme song nitong Palagi, na inawit ni KZ Tandingan at TJ Monterde, ay naiuwi ang Silver na parangal para sa Best Original Song for an Asian TV Series/Programme or Movie na kategorya.
Samantala, ang action-packed na seryeng Incognito, na pinagbidahan nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Daniel Padilla, ay naiuwi ang Viewers’ Choice Award para sa Favorite Drama. Wagi rin sina Kim Chiu at Paulo Avelino ng Viewers’ Choice Awards at kinilalang Favorite Actress at Favorite Actor para sa kanilang husay sa What’s Wrong With Secretary Kim.
Ang ContentAsia Awards ay kinikilala ang mga huwaran sa industriya ng telebisyon at pelikula sa rehiyon.
Anyway, tuloy ang intrigang may ‘gap’ diumano sina Alden and Kathryn at sa kasalukuyan daw ay wala talagang pag-asa na magkasundo sila.
