Alden nag-umpisa na sa pagpipiloto, bibili ba ng sariling plane?


Nag-umpisa na si Alden Richards sa kanyang pagpipiloto.

Ipinakita ng kanyang Daddy Bae Richard Faulkerson at sister niyang si Riza na kinakabitan nila ito ng pilot student pins sa magkabilang balikat.

Kaya naman nagbubunyi ang fans ng Kapuso actor at binaha siya ng mga papuri.

Proud daw sila na tinutupad ni Alden ang kanyang mga pangarap.

Baka ito na raw talaga ang sign na pinaghahandaan na ng actor ang kanyang future at magiging pamilya niya.

At may komento pa na tiyak na bibili na rin si Alden ng private plane na deserved naman daw ng aktor.

May collection ng mamahaling bike si Alden at pawang luxury car din ang kanyang ginagamit kaya ito na raw talaga ang chance ni Alden na magkaroon din ng private plane.

“Day 1 starts today,” caption niya sa post habang katabi ang small plane.

Matatagpuan sa Clark ang flying school.