Dinumog ng entertainment media si Alexa Miro noong media launching ng first and original Videoke Kantawanan show ng mga sikat, Sing Galing: Sing-lebrity Edition! kamakailan.
Mag-uumpisa itong mapanood sa Sept. 27 at 28, kung saan magsasama-sama ang 48 na Sing-lebrities, na kilala sa kani-kanilang talento sa pag-arte, pagkanta, pagsayaw, at pagpapatawa para paglabanan ang pagiging susunod na Ultimate Bida-oke Sing-lebrity.
Sa line-up pa lang ng mga artistang mapapanood linggo-linggo ay talaga namang mag-e-enjoy na ang viewers sa kanilang mga paandar para sa chance na makatulong sa kani-kanilang “Bida-ficiary” o beneficiary!
Pero kokonti lang naman ang dumalo sa presscon, hindi 48.
But anyway, ‘yun nga dinumog siya dahil kay Sandro Marcos na kasalukuyang kontrobersyal dahil na rin sa diumano’y breakup nila after five years ng anak nina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos.
Matatandaang naging headline si Alexa nitong nakaraang linggo matapos siyang mag-live sa TikTok at magsalita tungkol sa nakaraan niyang relasyon sa isang hindi niya pinangalanang boyfriend, na inakala ng mga netizens na si Sandro.
At pinangalanan niya ang kapwa actress at beauty queen na si Franki Russell bilang sinasabing third party at dahilan ng paghihiwalay na hindi pa sinasagot ni Franki na napabalita naman kamakailan na jowa na ni Enrique Gil.
Inamin ni Alexa na nalungkot siya kung paano natapos ang relasyon, kaya nagpasya siyang magsalita na sa kabila ng pagtanggi noon sa kanilang relasyon.
Nung una ay parang hesitant pa siya pero sinabi niyang: “Nasaktan kasi talaga ako sa mga huling kaganapan kaya siguro naramdaman ko na baka panahon na para magsabi ng totoo.”
“Reason behind that decision was for safety purposes and precautions because siyempre kasi sila ang ating First Family,” paliwanag niya sa kung ba’t siya itinago bilang karelasyon nito.
“Malaki ang tiwala ko sa bigger picture, even though there are many things that we don’t understand.
“I believe it’s always right to always look at the bigger picture. Baka there’s a grand scheme of things na ‘di natin nari-realize na better for everyone,” sabi niya na inaming nasaktan talaga sa mga nangyari sa kanila kaya’t nagsabi na raw siya ng totoo.
May ilang nakakaalam pa noon na nagli-live in na sila sa isang luxury condominium sa Makati.
Na nabuko dahil sa mga delivery app na inoorderan ni Alexa.
Tinatawag daw ng guard ang pangalan at the same time ay nakikita roon ang kongresistang miyembro ng First Family.
May offer din noong endorsement si Alexa pero tinanggihan niya dahil sa relasyon sa pulitiko.
Sa kasalukuyan ay sariwa pa raw ang mga nangyari sa kanila. “I’m still wrapping my head around it kung bakit ko nga ba nagawa ‘yun, ano ba ang purpose nu’n.”
Tho itinanggi niya na nagpapapansin lang siya kaya siya nagsasalita ngayon.
May pinagdaraanan daw siya kaya siya napa-TikTok Live that time.
“Wala naman akong gustong saktan o paringgan talaga. Parang nagkataon lang na wrong place, wrong time. I was so full of emotions. I was angry so I wanted to speak up.”
Saka pangarap daw talaga niyang ipagmalaki ng karelasyon.
“But when it was told naman to me, I have known naman his reasons, wala naman akong violent reactions, because nga like I’ve said naiintindihan ko,” sabi pa niya.
Pero mahal pa rin daw niya ito at hindi ‘yun mababago bagama’t hindi raw sila nagkakausap lately dahil alam niyang busy ito.
In all fairness naman, mahusay sumagot si Alexa na sabi nila ay naging kamukha na ni Jane de Leon.
Kaya kahit sila Randy Santiago nagulat talaga kung ba’t siya dinumog pagkatapos ng open forum.
Samantala, kabilang sa mga magpapaandar sa Sing Galing: Sing-lebrity Edition! sina Rufa Mae Quinto, Romnick Sarmenta, Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Meryll Soriano, Carmi Martin, Valerie Concepcion, Bobby Andrews, Jay Manalo, Luis Alandy, Gio Alvarez, Patricia Javier, Troy Montero, Rey “PJ” Abellana, CJ Ramos, Leandro Baldemor, Lloyd Samartino, Arman Salon, Anton Diva, Chad Kinis, Via Antonio, Yobab, Keanna Reeves, Gus Abelgas, Cedrick Juan, Dawn Chang, Krissha Viaje, at Miss Grand International 2024 CJ Opiaza.
Siyempre, hindi kumpleto ang kasiyahan kung wala ang Sing Masters ng Sing Galing: Sing-lebrity Edition: Biritera Beshie Donita Nose, Ultimate Entertainer K Brosas, at Mr. Private Eyes, Mr. Randy Santiago.
Para naman sa matindihang pilian ng mga magwawaging sikat, magbabalik ang mga minahal nating Jukebosses na huhusga sa pa-sing-laban at puksaan ng ating Sing-lebrities.
Nangunguna diyan ang OPM legend at Sing-nior Hitmaker na si Rey Valera, kasama ang iba pang singing icons tulad nina original Kilabot ng Kolehiyala at Chief Sing-patiko, Ariel Rivera, Diamond Soul Siren Nina, Soul Icon Ella May Saison, Vocal Powerhouse Mitoy Yonting, at ang first-ever Sing Galing grand champion na si Ethel Booba.
Mas higit pang magiging masaya at makulay naman ang bawat episode kasama ang Singtokers na sina Gab Pascual, Queenay, Ari G, Yanyan De Jesus, Muse Jazz, at Niko Badayos. Para sa online viewers, makakasama si Zendee at Niko Badayos na siyang maghahatid ng exclusive content sa Online Digiverse sa Sing Galing: Sing-lebrity Edition Puksaan.
Mapapanood ang second season ng Sing Galing: Sing-lebrity Edition tuwing Sabado, 7:00 p.m.; at Linggo, 8:00 p.m. simula Sept. 27 at 28 sa TV5, Sari-Sari Channel, Buko Channel, at sa social media accounts ng TV5 at Sing Galing para sa mga manonood online at sa buong mundo.
