Anak at pamangkin ni Sen. Jinggoy, bugbog-sarado sa Bora!


Kinumpirma ni Sen. Jinggoy Estrada ang insidenteng pambubugbog sa kanyang anak na si Julian Estrada at pamangking si Jefferelly Vitug sa Boracay.

Ito ang unang napaulat sa isang radio station sa Aklan na diumano’y binugbog sila ng tatlong kabataang lalaki noong Sabado ng madaling araw.

Tinukoy ang tatlong kabataang ito na residente ng Boracay, at naka-detain pa rin sila as of presstime.

Narito ang kabuuang statement ni Sen. Jinggoy na ipinadala sa amin kahapon.

“Sen. Jinggoy Estrada confirmed that his son Julian Ejercito and his nephew Jefferelly Vitug were assaulted by local residents of Boracay early morning yesterday.

“Estrada said the two victims were on their way home from a bar when the suspects attacked them from behind. One of the assailants allegedly told his nephew ‘masyado kang maagas.’

“Estrada said there were no previous confrontations among the victims and suspects inside the bar, and that CCTV footage would confirm the same.

“Julian sustained a blow to the head and had a toenail chipped off after he was repeatedly kicked after going down. His cousin sustained an injury to the nose. The victims are recuperating in the hospital.

“Sen. Estrada said he flew to Boracay yesterday and they had filed charges against the suspects.”

Pagkatapos mag-file ng complaint ni Sen. Jinggoy laban sa diumano’y nambugbog sa kanyang anak at pamangkin, bumalik na sila ng Maynila para ipa-confine silang dalawa sa hospital.

Maja, ‘di kayang iwan ng buong araw si Maria

Naging pamilya na ang turingan ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez kay Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm.

Bahagi na si Ms. Rei sa paglago ng kabuhayan ng mag-asawa.

Sa halip na bumuo si Maja ng sarili niyang produkto para sa kumpanya nilang mag-asawa, isinama na nila si Ms. Rhea Tan para maging bahagi nitong inilunsad nilang body care product na Majeskin.

Idea nila Maja itong produktong ito na body lotion, scrub at body wash, pero pagdating sa finance ay si Ms. Rei ang bahala.

Isinama nila ito sa Beautederm para hindi magkaroon ng conflict sa ineendorso ng aktres.

Sabi pa ni Maja, malaki ang nagawa nitong bagong venture nila sa relasyon nila ni Rambo.

“Kasi parang ayaw naming mag-stop matuto. Ang dami pa naming kailangang matutunan, ‘di ba?

“Magto-two years na tayong kasal, pero so far so good naman. And parang mahaba pa ‘yung pasensya sa isa’t isa. Madami pa kaming idea na gustong gawin, and of course, meron kang Maria.

“Eto, second baby namin itong Majeskin for now, eto muna. Si Maria, mag-one year old na,” saad ni Maja.

Pero ang lahat nang ito ay adjusted sa kanilang nag-iisang anak na si Maria.

Ang baby pa rin ang priority sa lahat ng ginagawa niya.

Kaya kung puwede lang ay isinasama niya si Baby Maria, dahil gusto niyang bahagi ito sa lahat ng ginagawa niya.

“Minsan nga sinasama ko siya sa set. Pero eto tingnan natin. Siguro ‘pag sa mga teleserye o pelikula. Kasi advanced naman binibigay sa amin ‘yung schedules, mga scenes bago gagawin. ‘Pag magaan lang, puwede ko siyang dalhin. Kasi as much as possible, kung puwedeng kasama siya, kasama siya. Kasi hindi ko kaya na hindi ko siya kasama buong araw,” sabi pa ni Maja Salvador.