Andi, nagmukhang cheap na naghahabol ng jowa


TAKE IT TAKE IT! — Lolit Solis — Pilipino Star Ngayon

February 22, 2025 | 12:00am

Kaloka si Andi Eigenmann na nagpa-couple tattoo sa partner niyang si Philmar Alipayo.

Matapos nga silang magkaroon ng kontrobersiya sa matching tattoo ni Philmar at BFF niyang si Pernilla Sjoo nagkaayos na sila.

Ipinost ng tattoo artist ang mga litrato nila pagkatapos ng tattoo session nila kasama ang mga anak na sina Lilo at Koa.

Ninega naman iyon ng mga netizen na tinawag na clown si Andi.

Matapos daw nitong magkalat online ay sabay ganito raw ang gagawin nito na true naman.

Mukhang nagselos at nainggit lamang daw talaga ito sa BFF ng partner niya at gusto nga nito na magkaroon din sila ng matching tattoo ng fiancé niya.

Nakabawi na nga raw ito sa Swedish photographer at tila pinatunayang nasa kanya ang huling halakhak.

Ang cheap cheap nila. Nasaan ang kredibilidad. Hmmmp.

Derek, hilig makipag-inisan sa mga basher!

Hindi pa rin tapos ang aktor na si Derek Ramsay sa pagpatol sa fake news.

Ini-repost niya ang screenshot ng litrato nila ng misis na si Ellen Adarna kasama ang baby nila na may komento ng isang netizen na nagkakalat ng fake news.

Sinabi nito na hindi raw sa aktor ang baby. Nasa balita pa raw na nagpa-DNA raw ang mister ni Ellen at hindi raw ito ang baby daddy noon.

Maraming time si Derek ha at nilagyan niya iyon ng caption na “OMG!!! The DNA test was sent ba to you? Kaya pala hindi ko nakuha.”

Well mukhang ang goal talaga nito ay makipag-inisan sa mga basher.

Another ka-cheapan. hahaha