Ang pagbabalik ni Felix sa WTFu!


NakNgFU — Mr. FU — Pilipino Star Ngayon

October 23, 2025 | 12:00am

May ilang taon na rin ang nakakalipas simula nang ilunsad namin ang  www.channelfu.com bilang bahagi ng aming youtube channel na WTFu. (may pa-website kineme ha!)

Dito napapanood ang mga uncut version ng aking interview sa mga hunks. (medyo wholesome pa ang mga umeere sa youtube ha!) Dito rin makikita ang iba’t iba naming reality shows. (ala bahay ni kuya ?!)

Isa sa patok na reality show namin ay ang Felix Bakat Dance challenge, kung saan ipinapakita ng mga boys ang ta-lent nila sa pagsayaw. (na dapat ay ala Felix!) Kaya naman naisipan ng production team na magkaroon ng Season 2. (I’m sure aabot pa ‘yan ng season 1068!)

Walong kalalakihan ang sasalang at magpapainit sa ilang mga episodes pero isa lang ang magwawagi. Tatlong hurado na viral sa social media ang pipili sa karapatdapat na Felix Bakat ng taon. Malapit na ito umere. (dadaigin nito ang Miss Grand International ni Emma!)

Kailangan din abangan ang magkahiwalay na interviews sa WTFu nina indie actor Gary Guarino at talent Christian Tenizo. Si Gary ay nakagawa na ng maraming gay films at naging mapangahas sa mga naipakita nya on screen (kita lahat besh!) Ngayon ay sumasalang na sya sa ibang genre ng pelikula na kadalasan ay napapasama sa mga film festivals. (pero go pa rin daw sa hubaran si koya!)

Si Christian naman ay isang contractor na sumasideline bilang talent sa mga teleserye. (oo contractor pero hindi sa dpwh!) Bilang naka-schedule naman ang mga proyekto nya bilang contractor, nakukuha nyang bigyan ng oras ang pag-aartista. (may oras ka ba sakin bro?!)

Mapapanood ang kani-kanilang episodes sa WTFu on youtube. (may mga pa-blind item pa ang mga bro ko sa guesting nila!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com