Unti-unti nang nagbabalik si Angelica Panganiban sa trabaho pagkatapos manganak noong 2022. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sasabak ang aktres sa entablado. Magbibida sina Angelica at Peewee O’Hara sa Don’t Meow for Me Catriona na mapapanood sa Tanghalang Ignacio Gimenez ng Cultural Center of the Philippines.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-dalawang dekada ng Virgin Lab Fest na gaganapin mula June 11 hanggang 29. “Sabi ko sure! Chinarot-charot ko lang sila. Di ko naman akalain na seryoso pala,” nakangiting bungad ni Angelica.
Noon pa umano pangarap ng dating child star na masubukang umarte sa entablado. Nang mabasa ang script ay talagang inaral ni Angelica ang kwento at ang kanyang karakter para sa naturang stage play. “Ever since talaga, may interest ako. May mga nagtatanung-tanong naman noon. But apparently schedule at lakas ng loob, wala pa ako noon,” pagtatapat niya
Aminado si Angelica na nakararamdam nang kaba dahil bago para sa kanya ang pag-arte sa entablado. Puspusan na ang ginagawang paghahanda ngayon ng aktres para sa Don’t Meow for Me Catriona. “No’ng in-offer nila sa akin ‘yung script nila. ‘Direk, sabi ko, lumundag ako. Hinayaan kong lamunin ako ng takot ko, ng doubts ko sa sarili ko and patunayan ko sa sarili ko na kaya ko talaga,” kwento ng aktres.
Jameson, gustong makatrabaho si Jodi
Masaya si Jameson Blake dahil muling nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho si Sue Ramirez. Mapapanood na sa mga sinehan simula June 18 ang Flower Girl na pinagbibidahan ng aktres. Matatandaang huling nagkatrabaho sina Jameson at Sue sa pelikulang Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi noong 2018. “I enjoyed doing the project. It was really fun. At first, I found it a bit silly and weird because it was new to me. Out of the box pero I was willing to take up the challenge and do this project with Sue. Sue just has a genuine and fun personality in all my projects I’ve worked with her,” pagbabahagi ni Jameson.
Samantala, nangangarap ang binata na makatrabaho ang isa sa mga pinakamagagaling na aktres sa bansa. “Honestly, I’ve worked with a lot of leading ladies, actress and actors. But one actress I want to work with someday is Ms. Jodi Sta. Maria one day, if there’s a nice project. I just find her a good actress. I’ve never worked with her yet. So, it would be nice if I could,” paglalahad ng aktor.
Unang nakilala si Jameson bilang housemate sa Pinoy Big Brother: 737 Edition noong 2015. Sa sampung taon na pagiging aktibo sa show business ay iba’t ibang klase ng proyekto na rin ang nagawa ng aktor. Gusto raw gumawa ni Jameson ng mga proyekto na may temang hindi pa niya nasubukan sa loob ng isang dekada. “I would like to do a project with something related to let’s say like back in time. Maybe 1800s, something historical. I think I would like to venture into that genre. And also, more action. I want to try something with action. I haven’t really done full-on action pero that’s one of my dreams for now,” pagdedetalye ng binata. — Reports from JCC
