Angelica, nagka-trauma?! | Pilipino Star Ngayon


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

September 1, 2025 | 12:00am

Nagpasalamat sa nakalipas na buwan si Angelica Panganiban.

Ito ay kahit aniya traumatic ito.

Pero wala siyang ibinigay na detalye.

Kalakip lang ng post niyang “Turning your traumatic month into precious moments spent with the people you love most. Thank you for being gentle August” ang ilang family photos nila na nagpapakita ng pagiging super cute ng baby nila ng mister, si Bean.

Nasa nursery na pala ito at nag-first day na.

May mga nagsulat kamakailan na tinanggap ni Angelica ang isang Metro Manila Film Festival movie with Tom Rodriguez.

Kuwento raw ito tungkol sa divorce na pinagdaanan ng isang mag-asawa.

Wala pang ibinibigay na update si Angelica kung nakapag-umpisa na sila sa nasabing pelikula.