Ahh pahinga na pala sa pagpi-piloto ang mister ni Yasmien Kurdi, si Rey Soldevilla.
Mas tinututukan nila ngayon ang dalawang anak na sina Ayesha Zara and Raya Layla, particular na si Ayesha na homeschooling muna matapos magkaroon ng karanasan sa bullying sa kanyang dating eskwelahan.
Ganundin sa negosyo nilang Malunggay Collostrum. At ngayon daw ay may dini-develop silang bagong produkto.
Nagla-live selling ang actress na hindi gaanong aktibo ang career at katulong niya sa negosyo ang mister. Pero handa raw siyang umarte ulit pero wish niyang mas malalim na ang role niya.
Anyway, kabilang nga si Yasmien sa mga nakiramay kay Nay Lolit Solis na nailibing na kahapon.
Dati niyang manager si Nay Lolit pero kahit nasa Sparkle na siya, nanatili ang closeness nila ng dating manager na pumanaw last week.
