AshDres, bagong JaDine sa kanilang debut movie!


RATED A — Aster Amoyo — Pilipino Star Ngayon

August 29, 2025 | 12:00am

Tiyak na proud ang celebrity couple, ang dating matinee idol and award-winning actor na si Aga Muhlach at dating beauty queen-turned actress-host na si Charlene Gonzales sa kanilang twin children na sina Andres at Atasha Muhlach na parehong tuluy-tuloy ang magandang takbo ng career sa kasalukuyan.

Ang mag-anak ay magkakasama sa weekly sitcom ng TV5, ang Pers Family, habang bahagi rin si Atasha ng top-rating and longest-running noontime show, ang Eat Bulaga.

Meron din silang magkahiwalay ng digital series on Viva One, ang Bad Genius ni Atasha at ang hit series na Mutya ng Section E tampok si Andres at Ashtine Olviga.

The twins are both under management contract with Viva Artists Agency (VAA).

Sa dalawa, si Andres ang unang pinagkatiwalaan ng Viva Films ng pelikula sa pamamagitan ng romance drama movie na Minamahal : 100 na Bulaklak Para kay Luna mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana at nakatakdanag ipalabas sa mga sinehan sa darating na September 24, 2025.

During the grand presscon ng dalawa na ginanap sa Le Reve Events Place in Quezon City, inamin nina Andres at Ashtine na maging sila man ay nagulat nang malaman nilang magbibida na sila sa first movie nila together.

Ayon kay Direk Jason Paul, wala pa umano siyang idea kung sino ang gaganap sa material na kanyang sinulat at pinitch sa Viva until one day, he was informed na ang sikat na magka-loveteam na ang magbibida na kanyang dinirek din.

Na-excite siyempre si Direk Jason dahil sa kanya ipinagkatiwala ang debut film nina Andres at Ashtine na agad niyang kinakitaan ng magandang chemistry sa simula pa lamang ng shooting ng pelikula. “They’re so natural. Parang hindi umaarte,” pahayag pa ni Direk Jason Paul na nagsabing hindi malayong maging major stars ang dalawa sa lalong madaling panahon.

During the Q&A portion ay tinanong namin ang dalawa kung posible ba silang magka-inlaban tulad ng ibang loveteams? Anything is possible,” agarang sagot ni Andres na sinang-ayunan naman ni Ashtine.

Binibigyan ng dalawa ng kredito ang isa’t isa sa kanilang suportahan at professionalism na ipinakikita at kumportable umano sila sa isa’t isa’t.

Nakikita rin ni Andres kay Ashtine ang pagiging genuine nito at walang kaartehan sa katawan.

Nakikita naman ni Ashtine kay Andres ang pagiging simple and thoughtful at walang kayabangan sa katawan kahit ito’y nagmula sai sang kilalang showbiz royalty family.

Kahit wala pang isang taon ang team-up nila ay agad tinanggap ng kanilang mga fans hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa man. Katunayan, dahil sa popularity nila, ang kanilang first movie na Minamahal…. ay magkakaroon ng global screening sa Amerika, Canada, Middle East at iba pang bansa, bagay na lalong ikinai-excite ng dalawa. “Thankful po kami, una kay God, pangalawasa aming respective families, to our Viva family at sa mga fans dahil sa kanilang tiwala at suporta,” pahayag ni Andres na unti-unti nangnawawala ang pagiging shy.

?Although nung 2016 pa nagsimula siAshtine sa bakuran ng Viva ay ngayon lamang dumating ang pinakahihintay niyang malaking break nang siya’y ipareha kay Andres sa hit wattpad series kasunod na rito ang Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.

Ang AshDres loveteam na kaya nina Ashtine at Andres ang kasunod sa successful loveteam noon ng JaDine nina James Reid at Nadine Lustre na naging massive ang success?

Ano sa palagay mo, Salve A.?