Atasha ayaw tantanan sa pamamahinga sa Eat Bulaga


PATULOY ang pasasalamat sa Diyos ni Aga Muhlach dahil sa magandang career ng kanyang kambal na anak na sina Atasha and Andres.

Parehong rumaratsada ang career ng kambal nila ni Charlene Gonzales pero siyempre hindi lahat ay maligaya. May mga nang-iintriga syempre matapos mawala si Atasha sa Eat Bulaga dahil ginagawa nito sa kasalukuyan ang local adaptation ng Bad Genius.

At ikinokonek ng ibang netizens ang post ni Aga rito. “We continue to praise God in all we do. We’ve always kept it simple and will continue to do so. We love you all. Peace be with you all. Let’s continue to spread kindness?,” kalakip ang isang collage video ng kanilang pamilya na fan.

Pero ang saya naman ng mga komento ng followers ni Aga at pinupuri sila ni Charlene dahil sa maayos na pagpapalaki nila sa kambal na parehong sa abroad nag-aral ng kolehiyo pero hindi nabago ang pagka-Pinoy ng ibang lahi.