September 16, 2025 | 12:00am
Magiging busy na ba ulit si Sharon Cuneta?
Babalik na raw siya sa TV.
Ito ang rebelasyon niya sa pagbabalik niya sa social media pagkatapos ng more than a week na social media detox.
Aniya sa kanyang comeback post : “Hi. How are you all? I miss you. But I have been enjoying my time away. I’ll be on TV again soon, but you’ll probably be seeing less and less of me. Slowing down a bit now. Always thinking of you guys. I love you all very much. God bless you!”
Wala siyang ibang ibinigay na hint kung anong programa ang sasalihan niya.
