Wala mang red carpet, ang bobongga pa rin naman ng mga gown ng mga rumampa sa ginanap na SONA kahapon.
Tho mas lowkey nga naman na walang nakalatag na red carpet, pero same fashion vibe.
Ang gaganda ng mga suot nilang Filipiniana.
Pero siyempre, ang bilis nag-viral ni Heart Evangelista na parehong puti ang isinuot na gown na gawa ng sikat na designer na si Michael Leyva.
Modern Filipiniana at parang bare faced si Heart.
No make up ang appearance ng mukha na nagpabagets sa kanya.
As expected hindi napalitan bilang Senate President si Sen. Chiz Escudero.
Anyway, ang mas bongga ay ayaw talagang pakabog kay Heart ni Pia Wurtzbach. Rumampa rin siya sa SONA kasama si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan.
Si Pia nga raw ay kinuha ng OWWA bilang ambassador na nakatira sa Dubai mula nang ikasal sa travel entrepreneur na si Jeremy Jauncey.
Noon pa sinasabing kinokopya talaga ni Pia si Heart nang dahil sa kanyang glam team at pati ang sinasabing pagrampa nito sa fashion week ay gets lahat ng parang si Heart.
