Baguhang hunky actor, lantaran ang relasyon sa male exec!


Nagulat ang mestisong aktor sa inasal ng hunky na baguhang aktor nang biglang dumating ito sa meeting sa isang iginagalang na male exe­cutive.

Maayos na nag-uusap sina mestisong aktor at ang iginagalang na male executive para sa isang project na posibleng iko-collab nila, dumating si hunky na baguhang aktor. Umupo sa tabi ni male executive at inakbayan.

Ang basa ni mestisong aktor, ‘huwag ka awra-awra diyan, akin ‘to!’ ‘Yun lang naman ang pagkakaintindi ni mestisong aktor na palihim daw ito na natawa.

Ayon sa mga usap-usapan, magaling talagang maglaro itong si baguhang aktor. Kaya nalalamuyot ang puso ni male executive.

“Huwag nga kayo! Masaya kaming dalawa ‘no!” tingin din namin sa kanilang dalawa, dahil masaya sila sa kung ano mang merong relasyon sila.

Ay! June na pala! Marami tayong aabangang events ngayong gay pride month.

Happy Pride month sa lahat ng katribu namin!

Enchong, nawindang sa eviction ni Xyriel

Ang daming nakapansin na sobrang affected sina Gabbi Garcia at Enchong Dee nang lumabas  sa Bahay Ni Kuya si Xyriel Manabat.

Si Xyriel ang Kapamilya na na-evict sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab noong Sabado. Pero bago pinalabas ang dating child actress, si Vince Maristela muna ang unang tinawag bilang Kapuso evictee.

Napaka-cool lang ni Vince at sa simula pa lang ay nakangiti na ito hanggang sa paglabas niya.

Sabi nga niya, “Actually, sinurrender ko na po talaga ‘yung results ng eviction today.”

Tila maluwag niyang tinanggap ang pagkaka-evict niya. Pero si Enchong ay nataranta pa na sa halip si Vince ang tawagin niya, si Will ang nabanggit.

Pero pagdating kay Xyriel, sobrang lungkot nina Gabbi at Enchong na mukhang hindi nila matanggap na ‘Ang Golden Anaktres ng Rizal’ ang pinalabas.

Si Enchong ang unang niyakap ni Xyriel na makikita talaga ang closeness nilang dalawa. Sinabi pa ng aktor na ngayon lang daw siya nakabalik sa PBB para mag-host tapos ang matalik pa niyang kaibigan ang lumabas.

Pero masaya naman nilang tinanggap, at nag-post na nga si Xyriel na nagpapasalamat sa suporta ng fans at bumoto sa kanya.

Si Vince naman ay nag-IG live rin kahapon para magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya, pati ang fans ng ibang housemates na alam niyang bumoto sa kanya.

Obvious na suportado ni Enchong ang PBB journey ni Xyriel, pero naalala ko ang sinabi niya noon na ayaw na raw niyang maglabas ng favorite niya dahil nagdedelikado.

“May mga bias, pero siyempre by the end of the day taumbayan po ang magde-decide. And at the same time, kapag meron akong niro-root na isang housemate nano-nominate e. Kaya ayoko na mag-favorite, mag-ano,” pakli ni Enchong nang makatsikahan namin sa story conference ng pelikula nila ni Lovi Poe na The Sacrifice.

Gladys, mag-a-ala Julie Andrews

Aliw na aliw si Gladys Reyes sa bagong film project na ipinagkatiwala sa kanya ng Utmost Productions na isang musical film at pinamagatang The Heart of Music. “Magkalinawan tayo, hindi ako basta bida lang sa isang pelikula. Ito ay musical!” bulalas ni Gladys.

Talagang kantahan ito nang bonggang-bongga lalo na’t kasama pa niya rito ang magagaling na singers, ang mag-asawang Robert Seña at Isay Alvarez. Kabilang din sina Angel Guardian, Kristoffer Martin, Sean Lucas, Rey PJ Abellana, at ang mag-asawang Joshua Zamora at Jopay Paguia.

Ang nagsulat at magdidirek nito ay si Mario ‘Gat’ Alaman na siyang gumawa ng pelikulang Unspoken Letters na naging bahagi rin si Gladys.

Bukod sa kantahan, tutugtog din siya rito ng piano kaya dream come true raw sa kanya ang film project na ito.

Mala-Julie Andrews ang dating niya rito. Kaya paghahandaan daw niya ito nang husto.

“Ayoko naman na alam mo ‘yun, na magpa-double lang na ano na parang kunwa-kunwari lang,” dagdag niyang pahayag.

Bukod sa pelikulang ito ay isa rin sa bida si Gladys sa isang afternoon drama na Cruz Vs. Cruz na kung saan makakasama niya rito si Vina Morales. Ang ganda rin ng role niya sa youth-oriented show ng GMA 7 na MAKA, na nasa season 3 na.