Promising ang dating ng isang young actor noon kaya naging mabenta sa TV series, naging mabenta rin sa mga accla!
Malaki nga kung sumingil sa booking ang aktor na ngayon eh, nagdarahop na sa kliyenteng accla.
Nang umugong kasi ang pangalan, naging mabenta, pero hindi niya inalagaan ang mga kinita. Hanggang sa nalulong sa bisyo at pabaya sa work.
What’s worse, tumaba at nag-asawa’t nagkaroon ng anak. Nawalan ng ningning. Ayaw na rin sa kanya ng mga accla!
Eh hindi rin naman tinutulungan ng mga kamag-anak sa showbiz si aktor. Kaya kung kani-kanino nakautang in times of emergency!
Ang latest na malasadong ginawa ng aktor? Umutang siya sa lending firm. Kinuhang co-maker ang isang acclang host nang walang alam!
Ngayon, hinahabol ng lending si acclang host dahil nakalagay sa application ng aktor ang name at contact numbers ng acclang host!
Nataranta si accla sa sunud-sunod na missed calls at text ng lending firm na hindi naman co-maker ng aktor, huh!
Andrea, nabuhay ang career
Nabuhay muli ang career ni Andrea Torres na huling napanood sa GMA series na Maria Clara At Ibarra na 2022 pa ipinalabas.
Bida si Andrea sa coming Kapuso afternoon series na Akusada kung saan kasama niya ang Sparkle stars na sina Benjamin Alvez, Lianne Valentin, Marco Masa, Princess Aliyah at Jennifer Maravilla.
As usual, kakaiba at challenging daw ang role ni Andrea na pinanoood ang isang documentary ni Kara David.
Prison series kaya ito gaya ng Prinsesa ng City Jail, older version? ‘Pag akusada, accused ang ibig sabihin nito, ‘di ba, my pretty ed, Salve A? Hahaha!