MANILA, Philippines — Doble ingat ang gagawin ni reigning World Boxing Council (WBC) welterweight champion Mario Barrios sa oras na makasagupa nito si eight-division world champion Manny Pacquiao.
Nakatakdang magkrus ang landas nina Barrios at Pacquiao sa Hulyo 19 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
Alam ni Barrios na maganda ang rekord ni Pacquiao sa mundo ng boxing.
Itinuturing na itong isang boxing legend dahil sa tagumpay na nakamit nito sa kanyang boxing career.
Isa si Pacquiao sa may mabagsik na kamao na naging armas nito sa pagpapatumba ng ilang kapwa boxing legends nito.
Kaya naman walang puwang ang pagiging kampante para kay Barrios.
“When Manny is in the ring, you know what Manny brings. You know what he’s capable of,” ani Barrios.
Sa kabila nito, walang nararamdamang pressure si Barrios dahil siya ang reigning champion na mas lalo pang nagpapataas sa kanyang kumpiyansa.
“Manny is fighting me for my title. I think I’ll feel more pressure if I am the one to take his title. But because I am defending my title, I know where I am at,” ani Barrios.
Marami naman ang nagdududa sa kapasidad ni Pacquiao na nasa 46-anyos na at wala na umano sa kanyang prime.
Subalit base sa mga videos na inilabas ng Pinoy champion sa kanyang social media accounts, nananatiling mabagsik ang kamao nito.
Ngunit para kay Pacquiao, hindi nito nakikitang problema ang kanyang edad.
