Ahh dumarami nga ba ang ‘kaaway’ ni Kyline Alcantara?
Diumano ay galit kay Kyline sina Sofia Andres at Bea Alonzo dahil gumagawa umano ito ng intriga tungkol sa dalawang actress.
At hindi nga raw magandang intriga ‘yun, lalo na sa image nina Sofia at Bea.
Si Sofia ay in a relationship pa with Daniel Miranda.
At si Bea ay kumpirmado na diumano ang relasyon sa negosyanteng si Vincent Co.
Anyway, ba’t kaya nagiging ganun ang reputation ni Kyline? Parang nagiging bad girl?
Na parang bagay naman sa character niya. Kasi hindi naman pwedeng good girl lahat.
Samantala, hindi pala in-expect ng family ng negosyante na si Vincent Co na si Bea ang dini-date nitong actress.
Aware diumano ang family ng businessman na may dini-date ito pero recently na lang diumano nalaman ng mga ito na si Bea na ‘yun.
Ayon sa source, ang suwerte ni Bea dahil bukod sa mayaman, ang talino raw ni Mr. Vincent kaya jackpot ang actress.
Nung minsan nga raw na nagkaroon ng medical emergency si Bea habang nasa Siargao ay sinundo pa ang actress ng chopper na pag-aari ng pamilya Co ng Puregold and S&R.
As in ultra-rich ang pamilya.
Well, baka nga ito ang kapalaran ni Bea at lelevel na siya kina Nanette Medved, Erich Gonzales, Yam Concepcion, Donna Cruz at ilan pang celebrity na nakapangasawa ng mayayaman at hindi na kailangang mag-showbiz.
