John at RS, sumali sa kuwento ni Red Uncle!


Lumalim ang usapin sa kuwentong ito ni Red Uncle ng Nanjing, China na talagang pinag-usapan sa buong mundo.

Kakaiba naman talaga ang kuwento ng Chinese bading na nagpanggap na babae na nai-record at pinagkakitaan ang kanyang pakikipagtalik sa mahigit isang libong lalaking nagsasadya sa kanya.

Nahuli siya at ikinulong dahil sa paglalabas niya ng sex video na hindi alam ng mga lalaking nakatalik niya.

Bentang-benta ito sa content creators na gumagawa ng memes at nakakakuha ng napakaraming views.

May ilang celebrities na nakisawsaw sa isyu na inunahan nga ito nina John Lapus at RS Francisco na ang galing naman niyang nag-Madame Butterfly noon.

Kamakailan lang ay ipinost ni Sweet sa kanyang Facebook account ang tungkol dito sa isyu ni Uncle Red.

Sabi niya, “Mga anak help! Ano mali don sa Chinese e alam pala ng mga lalaki na may nota?”

Ang pananaw naman ni RS Francisco sa kanyang Facebook, “Red Uncle went viral — but at what cost, dear?

“Dressing up as a woman isn’t drag, empowerment, or homage — it’s mockery if walang puso, walang respeto. Ang identity, hindi costume.

“Ang pagkababae, hindi punchline.

“Ang art, hindi basta content… Or para sa carnal desires…

“Some of us fight daily to be seen, heard, and honored.

“Others? Just want likes… Or to deceive ..

“May conscience ba yan, or just concealer?”

Naging seryosong usapin ito dahil tama naman ang pananaw ng ibang nagbigay ng kanilang opinyon dito.

Sa China kasi ay mas lamang ang mga kalalakihan kesa sa mga kababaihan, at meron silang sinusunod na one-child policy.

May napapanood pa tayong mga Chinese movie na ang mga kalalakihang may mataas na posisyon ay meron silang tinatawag na male concubines na nakasuot pambabae.

Iyon ang kultura nila roon, pero malungkot ang buhay ng ilan sa mga kalalakihang nakita nila ang pagkalinga at pansamantalang kaligayahan kay Red Uncle.

Kaya hindi raw dapat gawing katatawanan, gawing memes dahil seryosong usapin ito sa naturang bansa.

Hindi na bago ang ganitong kalakaran sa ilang lugar dito sa atin. Mas matindi pa nga raw dito sa atin, na malamang hindi alam ng karamihan.

Naalala kong meron kaming nakapanayam sa radio program namin na isang bading sa Tondo na ang trabaho nito ay nagbibigay ng pansamantalang kaligayahan sa mga lalaking nagtatrabaho sa Pier at Divisoria.

Pero ang hindi lang maganda roon, madalas ay ninanakawan ng mga bading na ito ang customers nilang lalaki. Kaya hindi na ganun kalakas ang kita nila ngayon dahil iniiwasan na sila ng mga kalalakihan  sa Tondo.

Nagkainteres nga ang isang movie producer na isapelikula ang kuwento nito na nangyayari sa Tondo.