January 6, 2026 | 12:00am
KAILAN mangyayari ang hatid na suwerte ng kambal?
Iyon ang katanungan nina Apol at Guava.
Hanggang kailan sila maghihintay?
Dalawang tao na ang nagsasabi na may darating na suwerte sa kanila—una si Tandang Santo. Bagamat hindi sinabi kung ano ang darating na suwerte, tiniyak na darating iyon.
Ikalawang nagsabi nang darating na suwerte ay ang kaibigan ni Apol na si Kit. Ang kambal na sina Doro at Thea ang magdadala ng suwerte sa kanila. Tiyak na tiyak ni Kit na mangyayari ang kanyang mga sinabi.
Nagkatotoo ang mga sinabi ni Kit. Naghatid nga ng katakut-takot na suwerte ang kambal sa mag-asawa.
MAKARAAN ang sampung taon, nakatapos ng kolehiyo ang kambal at kinuha ng isang malaking foreign company na may kinalaman sa computer. Ipinadala sa U.S. at lalong nagpakadalubhasa. Matagal nag-stay sa U.S. ang kambal.
Naging marangya ang buhay nina Apol at Guava. Bumili sila nang malaking bahay pero ang dati nilang tirahan ay hindi nila iniwan. Nanatili rin ang punong bayabas.
Sabi ni Apol: “Wala na yata akong mahihiling pa, Guava.”
Sagot ni Guava: “Ako man Apol.”
Itutuloy