Buboy Villar kinasal sa Ilocos, celeb couple ikakasal din


JUST ASKING — Leon Guerrero — Pilipino Star Ngayon

February 22, 2025 | 12:00am

Ikinasal nga ba si Buboy Villar sa Ilocos Sur? Abangan daw ang mga detalye sa The Boobay and Tekla Show sa Linggo? Talaga? Interesting?

Mas interesting ‘yung ugong na may ikakasal din daw na celeb couple next week. Uyyy, mas interesting naman ba ito if ever? Pero kebs naman natin din ‘di ba? Hindi naman ito mga underage, at kaya na nilang panagutan ang kanilang buhay. Basta!

GMA, may bagong boss sa entertainment

Sa pagtatapos ng tour of service ni Ma’am Lilybeth Rasonable bilang Head ng GMA Entertainment TV, ipinakilala na ang bagong boss nila na si Ms. Cheryl Ching Sy na isa sa mga respetadong heads ng network noon pa!

Hudyat ba ito ng changing of the guards at mas marami pang batang creatives at mas dynamic pa ang magiging movement pataas ng network? Sana!

Teka, hindi lang napag-uusapan – ano na pala ang nangyari sa iba pang magagaling ng GMA heads na sina Redgynn Alba at Mona Mayuga? Marami ring nakakamiss sa kanila na mga Kapuso!

Andrea at Carlo, nag-iba ng management

Lipat bahay pala sina Andrea Brillantes at Carlo Aquino from Star Magic to another management group. Bakit?

Si Andrea, ang sabi,  “Different era for me. Sana maging super blessed ang new era ko na ito. Nagsabay-sabay lahat — bagong show, bagong management, tapos magtu-22 years old na ako. So talagang ang daming room for exploration.”

Andrea joins Shirley Kuan who also manages Bea Alonzo.

Si Carlo naman ay nagbabalik Viva. He was under Viva Artists Agency management back in 2005 to 2011, and some of his most memorable cinematic projects are Baler with Anne Curtis in 2008, Tumbok with Cristine Reyes in 2011, at Meet me in St. Gallen with Bela Padilla in 2018.

At kahit nagtapos pa ang contract niya sa Viva noong 2011, tuloy pa rin naman ang Viva projects ni Carlo like with Julia Barretto sa Expensive Candy and Hold Me Close.

With his kinda new management marami pa siyang projects with Viva leading ladies na magagawa. Sabi nga ni Carlo : “‘Yung future ko naman with them, sinabi nila na ibi-build talaga na maganda kasi nga marami rin silang leading ladies na puwedeng mai-partner din sa akin.”

Ang tanong: may kinalaman ba ang asawa niyang si Charlie Dizon sa pagbabalik-Viva ni Carlo?

Bianca, hindi nakatulong sa pelikula

“Ikaw ang totoong idolo ko,” ito ang sabi ni Ruru Madrid kay Bianca Umali pagkatapos ng block screening ng pelikulang Mananambal kamakailan.

Nakakaawa lang na not even Bianca’s much hyped performance can save the dismal showing of the movie sa box office. Anyare?

Huwag na munang masyadong sisihin ang audience na nahuhumaling sa streaming at sa mataas na ticket prices.

Ang basic na tanong: maganda ba ang pelikula? Talaga? Totoo? Bakit marami sa mga kokonting nakapanood na ang nagsabing nakakaantok daw ito? Hayyy naku talaga! Sayang!

Nakakataquote:

“Mali ang mga lumalabas na balita. Wala kaming any relationship.” – Jojo Mendrez on Mark Herras