Buboy Villar, tinawag na sinungaling , makapal ang mukha ng ex


Mabilis ang sagot ng ex-partner ni Buboy Villar na si Angillyn Gorens sa sinabi nito sa interview. Tinawag pa nitong sinungaling ang ex-partner.

Mabigat din ang paratang nitong diumano’y nagma-mar—-na ang komedyante at diumano’y sinasaktan siya nito kapag wala itong karga.

“Buboy villar. 1 week ka nag practice ng script?? Ginagawa mo pako sinungaling at baliw? nakakalimutan mo na bang sinasaktan moko lalo pag wala kang marij—n4??” paunang pahayag ni Angillyn sa Facebook post niya nitong Sunday, April 6.

“Galit na galit ka at wala ka sa ayos. pag wala kang ganon nag aaway tayo kasi panahon ni duterte natatakot ako na matokhAng ka. ideny mo ha? Hahaha,” sabi pa nito.

Kinontra rin nito ang sinabi ni Buboy na diumano’y nagbibigay ito ng P120,000 na sustento sa kanilang mga anak.

“DAHIL NAPAKASINUNGALING MO. kelan ka nag bigay ng 120k?? gusto ko icomment mo dito or ipost mo yung proof mo na nag bigay ka ng 120k na sustento. 10th at 25th ng month SABI MO tag 60k binibigay mong sustento at nagkakahalagang 120k SABI MO YAN SA INTERVIEW malinaw na malinaw. hahaha bakit hindi mo rin na mention na 1 and a half YEAR 0 pesos binigay mo at napakarami mong utang sa mama ko na sinasabi mo babayaran mo pero di na pinabayad sayo nagmumuka kaming pera sayo kapal ng mukha mygoodness,” dagdag pa ni Angillyn.

Sinabi nga ni Buboy sa kanyang interview kay Kuya Boy Abunda na nagbibigay diumano siya ng financial support sa dalawang anak niya sa ex.

Binanggit din niya sa nasabing interview na ipinatawag pa diumano siya ng Violence Against Women and their Children noong isang taon at doon napag-usapan kung magkano ang kinikita at kayang isustento ng aktor sa mga anak.

Nauna na niyang itinanggi sa interview ng 24 Oras na sinaktan niya ang ex.

Karelasyon sa kasalukuyan ni Buboy si Khrizza Sampiano at kamakailan lang bininyagan ang kanilang bagong anak.