November 15, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Nilipad ng nagdedepensang Mapua University ang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang University of Perpetual Help System DALTA, 77-61, sa second round ng NCAA Season 101 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Nagkadena si Clint Escamis ng 18 points, 5 assists at 2 rebounds para sa 6-5 record ng Cardinals sa Group A.
Umiskor si JC Recto ng 13 markers at may 11 at 10 points sina Yan Concepcion at EJ Sapasap, ayon sa pagkakasunod.
Hulog ang Altas sa ikalawang dikit na kabiguan para sa 8-2 baraha.
Isang 16-0 atake ang ginawa ng Mapua sa pagitan ng second at third period para iposte ang 48-30 bentahe sa third quarter galing sa 32-30.
Mula rito ay hindi na nakabangon ang Perpetual na pinamunuan ni Josh Alcantara mula sa kanyang 10 points.
Sa unang laro, inangkin ng St. Benilde ang No. 2 spot sa Group B matapos daigin ang Letran, 80-74.
Umiskor si Ian Torres ng 15 points para sa 7-4 marka ng Blazers kasunod ang Knights (6-5).