Cardinals pinulutan ng Altas | Pilipino Star Ngayon


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

October 9, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 10-0 atake ang gi­nawa ng University of Per­petual Help System DALTA sa dulo ng fourth pe­riod para kunin ang 75-65 panalo sa nagdedepensang Mapua University sa NCAA Season 101 men’s bas­ketball tournament ka­ha­pon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Humugot si JP Boral ng lima sa kanyang 15 points sa nasabing ratsada ng Altas para suwagin ang 3-0 record sa Group A.

“Well, obviously it’s a big win for us mainly because we beat the defending champions, but to go 3-0, for me, means nothing. Ma­layo pa ‘yung season,” ani coach Olsen Racela.

Nalasap ng Cardinals ang unang kabiguan matapos ang 2-0 panimula sa ka­­nilang title defense.

Matapos itabla ni Cyrus Nitura ang Mapua sa 65-65 ay kumamada ang Perpetual ng 7-0 atake para ku­nin ang 72-65 abante sa huling 1:50 minuto ng laro.

Samantala, tinalo nng Red Robins ang nag­dedepensang Junior Altas, 65-57, sa juniors division.

Parehong may 2-1 kartada ang Red Robins at Junior Altas.