Carla at bagong jowa, nagpakita na naman!


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

October 5, 2025 | 12:00am

Masaya ang puso ng fans ni Carla Abellana sa kanyang post na may ka-date na naman.

Pero wala pa ring face reveal. “It’s you again,” lang ang caption niya sa black and white photo ng kanilang sneaker and heel.

Nanatiling misteryo ang ka-date.

Nauna nang nilinaw ni Carla kay Kuya Boy Abunda na hindi foreigner ang mystery guy at matagal na niya itong kilala.

“I’ve been actually seeing him. Kita n’yo naman, nakaka-dalawang post na ako ‘di ba? Parang may pagka-soft launch po. Pero matagal ko na po siyang kilala,” sabi ni Carla that time kay Kuya Boy sa Fast Talk with Boy Abunda.

Bagama’t dati na niyang sinabi na hindi niya nakikita ang sarili na ikakasal uli pagkatapos ng hiwalayan nila ni Tom Rodriguez, sinabi ngayon ni Carla “ayoko na po maging close ‘yung aking pag-iisip na ganon.

“Siyempre, I want to be open naman po into you know to enjoying myself, and you know falling in love and being in a relationship,” patuloy ni Carla.

May anak na si Tom si bagong karelasyon kaya marami ring nagwi-wish na sana ay ilantad na rin ng Kapuso actress ang kanyang dini-date.

Atat ang marami na makilala ang nasabing jowa ni Carla.

Samantala, tuloy ang negosyong kandila ni Carla.

“Only 6 holiday gift sets remaining!

“These handcrafted artisanal natural soaps in VERBENA scent that i personally made are included in limited edition holiday bundles of 2 soap bars + 1 personalized embroidered hand towel by @audreysgiftstudio.ph,” aniya sa post kahapon.