August 18, 2025 | 12:00am
Parang exciting ang nilulutong proyekto ng GMA 7 at ABS-CBN kasama si First Lady Liza Marcos.
Mismong si First Lady Liza ang nag-post ng mga snap ng kanilang meeting kasama ang executives ng Kapamilya at Kapuso – GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes, Sparkle First Vice President at Head Joy Marcelo, at ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak at COO Cory Vidanes.
“Cooking up something exciting for the Philippine entertainment scene
“Our homegrown talents? They inspire, unite and keep the whole country smiling!,” post ni Mrs. Marcos.
Anyway, kumbaga ay hindi na bago ang collaboration ng GMA at ABS-CBN. Ang bago ay kasama na nila ang Unang Ginang na kasalukuyang naka- 10-day sabbatical ayon sa kanyang post. “Best birthday gift ever!! See you on Aug 26!, sabi niya kalakip ang selfie na aniya ay “no terno, no makeup, no hair spray.”
Ang joke naman ng iba, baka raw papasukin sa next edition ng PBB ang First Lady.
Hahaha.