Pag hindi talaga uukol, ‘di bubukol.
Ganito ang nangyari kay Carla Abellana at isang senador na ngayon.
Bago pala sila nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya, nag-date sila.
Pero wala raw spark nung nag-date ang dalawa ayon sa isang chika.
Ganda pa naman daw ng set-up ng date at kung siguro ibang actress si Carla, pinatulan agad niya noon ang nasabing personalidad na kabilang sa pamilya ng mga bilyonaryo.
Pero ‘yun nga, wala raw naramdamang ‘kuryente’ ang actress.
Ahh kung sina Carla at senador kaya ang nagkatuluyan, ano kayang kapalaran nila ngayon?
Well, masaya naman ang buhay ngayon ng senador at misis niya. May anak na rin sila.
Si Carla naman, of course ay alam na natin na hindi pa ulit nai-in love matapos ang hindi magandang hiwalayan nila ni Tom Rodriguez.