Carla, pinag-usapan sa pasapatos ng bagong jowa


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 19, 2025 | 12:00am

May pasilip si Carla Abellana sa bagong jowa.

Pero hindi face, shoes lang.

As in parehong paa lang nila ang pinakita, kinilig na ang followers ng aktres.

Ito na kasi ang second time na may pasilip siya tungkol sa sinasabing bagong lalaki ng kanyang buhay.

Hula nila, kaedad lang ng actress ang misteryosong lalaking ka-date niya.

Well, dahil lang ‘yun sa sapatos.

Pasasaan ba at ilalabas din ni Carla ang mukha ng nasabing lalaki.