Carlo, hindi sanay mag-goodbye! | Pilipino Star Ngayon


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

September 28, 2025 | 12:00am

Emosyonal sina Carlo Aquino, Anne Curtis at iba pang miyembro ng cast ng It’s Okay To Be Not Okay sa finale chapter presscon ng nasabing palabas.

Si Carlo ang unang umiyak. Aminado siyang bumabalik sa kanyang alaala nung una silang ipakilala na gaganap na mga bida sa local adaptation ng sikat na Korean drama.

Sa same venue, Dolphy Theater, din kasi ginanap ang press launching/announcement noon.

“Sinasabi ko kasi last year, dito rin kami ipinakilala. Hindi ako sanay mag-goodbye. Sobrang mahal na mahal ko kasi silang mga kasama ko. Sobrang laki rin ng binigay ko sa show na ito, kasi nga mahal na mahal ko kayo.

“Thank you sa support, kasi sinamahan niyo ang bawat isa sa amin na mag-heal. At kayo rin, sana mag-heal kayo, sa inyong mga puso, sa inyong mga kaluluwa,” emosyonal na pahayag ni Carlo habang nagpapahid na rin ng luha si Anne.

Kaya naman talagang umiiyak na sila: “Ano ba naman? Wala akong balak umiyak, pero naiyak ako sa iyo!” say ni ni Anne kay Carlo na tuloy ang pagpapahid ng luha tho tumatawa naman siya.

Aminado silang marami talaga silang nabuong core memories habang ginagawa ito.

In fact, masyado raw malalim, sabi pa ni Anne.

Ang tagal din daw kasi nilang nagsama-sama habang tini-taping ito.

Na sa sobrang dami raw ay hindi na halos maisa-isa ni Anne sa nasabing media conference para sa kanilang finale chapter.

“Ang dami! Ang hirap pumili ng core memories, kasi I feel like each lock-in namin, may core memory na nangyayari. May tumatakbo, may pillow fight namin, going to different island, and sige na nga, going to Siquijor.

“Siyempre, bonding together. Food trip namin, na nagpupunta kami sa iba’t ibang restaurant, and eat different local food from Bacolod and Dumaguete, and IloIlo!” chika pa niya.

“Sa akin talaga ang pillow fight namin ni Anne, and every time na pumapasok si Mat-Mat (character ni Carlo) sa mga cabinet, kasi talagang pawis na pawis ako doon, eh,” dagdag naman ni Carlo.

Wala naman si Joshua Garcia sa nasabing media conference.

Samantala, bukod sa mahusay na pagkakaganap ni Anne, hindi rin makakalimutan ang magaganda niyang outfit na Filipiniana-inspired.

Ginagampanan ni Anne ang role ni Mia Hernandez, ang Philippine version ng Ko Mun-yeong, na orihinal na ginampanan ni Seo Yea Ji sa sikat na Korean drama.