Kamakailan ay magkasamang nagbakasyon sa Europe sina Catriona Gray at Nicole Cordoves. Ayon kay Catriona ay talagang naging masaya at makahulugan ang kanilang paglilibot ng kaibigan sa Denmark, Sweden at Switzerland. “Sobrang saya, also for me, I’m in my 30s now pero this is only my second trip that I ever went that wasn’t work. I’m just one of those people that would always justify na work siya or kasama ko family pero ito talaga with my friend Nicole,” nakangiting pahayag ni Catriona.
Ayon sa Miss Universe 2018 ay mayroon pa siyang mga nadiskubre kay Nicole habang nagbabakasyon. Mayroong mga pagkakapareho at pagkakaiba ang magkaibigan. “First international trip na kami lang dalawa and first time sa mga bansa na ‘yan. I was the person in charge of finding where to eat and we shared everything else. Si Nicole sobrang hilig sa tours and sightseeing. So we did both. Talagang may similarities kami at may differences din naman. As in we’re just always reading our books. Kasi bookworms kaming dalawa,” pagdedetalye ng dalaga.
Naka-bonding din nina Catriona at Nicole ang ilan pang kapwa-beauty queens sa Europe. “Me and Nicole met because of pageantry and then when I was in Sweden, Denmark and even Switzerland, I met with other pageant sisters. Si Miss Sweden and Denmark who I both competed with in Miss World and Miss Universe. So they met Nicole for the first time, sobrang saya. Just to be able to see them after seven years, grabe. It is just a testament talaga ng mga sisterhood that are being formed within the pageantry circle,” paglalahad ng beauty queen.
Barbie, starstruck kay Ruffa
Palagi raw na nasa-starstruck si Barbie Forteza sa tuwing nakikita si Ruffa Gutierrez sa taping ng Beauty Empire. Kasamahang bida ng dalawang aktres sina Kyline Alcantara, Sam Concepcion, Gloria Diaz at Choi Bo Min sa bagong serye ng GMA Network. “I’m very, very excited to work with Ms. Ruffa Gutierrez. Super, super excited to work with her. Lagi akong nasa-starstruck sa kanya ‘pag nakikita ko siya sa standby area. Kasi ang ganda niya lang. ang ganda-ganda niya lang, and napaka-graceful niya,” kwento ni Barbie sa 24 Oras.
Nahihilig ngayon ang Kapuso actress sa pagtakbo. Sinisiguro ni Barbie na palagi siyang ligtas sa tuwing tatakbo saan mang lugar. “Stretching and then I make sure na nakakain ako kahit bread. Kasi siyempre para hindi tayo manghina sa pagtakbo. Cool down after tumakbo para hindi mag-cramps at hindi maano ‘yung muscles natin sa legs,” pagbabahagi ng dalaga.
Ngayong Linggo ay nakatakdang lumahok ni Barbie sa fun run para sa Mowelfund na Lights, Camera, Run Takbo Para sa Pelikulang Pilipino kasama sina Dingdong Dantes, Kristoffer Martin at Alden Richards na board member ng naturang organisasyon. Gaganapin sa MOA Concert Grounds, Pasay ang naturang event. — Reports from JCC
