Pilipino Star Ngayon
November 18, 2025 | 12:00am
BOSTON — Kumolekta si guard Jaylen Brown ng 33 points at 13 rebounds, habang may 30 markers si Payton Pritchard sa 121-118 paglusot ng Celtics sa Los Angeles Clippers.
Nagdagdag si Derrick White ng 22 points, 9 assists at 7 rebounds para sa Boston (7-7) na nakahugot kay Neemias Queta ng 14 points.
Pinamunuan ni James Harden ang Los Angeles (4-9) sa kanyang 37 points at humakot si Ivica Zubac ng 16 points at 12 boards.
Muntik maisuko ng Celtics ang 24-point, third-quarter lead bago nakabalik sa porma para sa ikalawang sunod na panalo.
Nakadikit ang Clippers sa 118-119 mula sa three-point shot ni Harden sa huling dalawang segundo ng fourth quarter.
Ang dalawang free throws ni Pritchard ang nagbigay sa Boston ng 121-118 bentahe kasunod ang mintis na triple ni Harden sa posesyon ng Los Angeles sa pagtunog ng final buzzer.
Sa iba pang laro, isinalya ng Golden State Warriors ang New Orleans Pelicans, 124-106; lusot ang Houston Rockets sa Orlando Magic sa overtime, 117-113; wagi ang Utah Jazz sa Chicago Bulls sa overtime, 150-147; panalo ang Dallas Mavericks sa Portland Trail Blazers, 138-133; tinalo ng San Antonio Spurs ang Sacramento Kings, 123-110; at nagwagi ang Brooklyn Nets kontra sa Washington Wizards, 129-106.
