?Chopper ni Sen. Bong, nag-emergency landing dahil sa saranggola


Balak nina Sen. Bong Revilla na magpamisa pagbalik niya ng Maynila mula sa pag-iikot niya sa sorties na pinupuntahan niya sa Kabisayaan.

Ibinahagi ni Sen. Bong sa kanyang Facebook live noong Biyernes ‘yung nangyari sa kanila sa Cebu na kung saan ay nag-emergency landing ang helicopter na sinasakyan nila.

Sa FB live nito, ipinakita niya ang helicopter na nakapag-land na at inaayos ito ng piloto nila.? Meron palang nagpapalipad ng saranggola at sumabit daw ito sa elisi ng helicopter na sinasakyan nila.

Mabuti a?t? magaling ang piloto nila, at bago ‘yung chopper na sinasakyan? kaya’t maayos? itong nakapag-emergency lan­ding sa isang bayan doon sa Cebu.

Sabi ni Sen. Bong, hinahabol nila ang flight niya pa-Iloilo, kaya nag-chopper sila, at ‘yun nga ang nangyari.? “May nagpapalipad ng saranggola, buti hindi kami nag-crash. We’re so lucky.? At least we’re safe po. Nakababa naman kami. Nakapag-emergency landing kami.”

Sa kasunod niyang Facebook live ay ipinakita niyang may garden doon sa lugar na pinaglandingan nila at may maliit na chapel na kung saan ay nagdasal doon ang senador.? “We’re safe po. Baka may nag-worry diyan, okay po kami.? Meron ditong chapel sa harapan. Dito kami nakababa.

“God is so good, we’re alive. Thank You, Mahal na Sto. Niño. Thank You, Lord.”

Ipinost ?rdin niya sa kanyang Facebook account na nakadalo pa siya sa campaign rally ?s?a Iloilo.

Kahapon ay nakausap ko si Sen. Bong na bumalik pa pala ng Cebu dahil meron pang ibang bayan na naka-commit pa siyang puntahan.? “Dadaan nga ako dito sa Sto. Niño para magpasalamat.? Grabe, nakakatakot din kasi hindi namin alam na baka may nakapasok na tali doon sa elisi, bagsak talaga kami,” saad ni Sen. Bong.

Nakausap namin si Cong. Lani Mercado na kabado rin sa nangyari sa kanyang asawa.

Hindi raw talaga maiwasan ang ganung bulilyaso lalo na’t ratsada na sila sa pag-iikot sa campaign sorties. Kaya extra ingat daw talaga.

“‘Yun ‘yung mga risk ng chopper rides talaga. Kaya medyo…

“After nung kay Bato (Sen. Bato dela Rosa). ‘Di ba si Bato bumagsak na rin ‘yung chopper niya, buti hindi siya sakay?

“Ano na talaga ako…ayun bago pa ‘yung chopper?. May mga insidente talagang hindi maganda na hindi maiwasan,” sabi pa ni Cong. Lani Mercado.

?Samantala, napapangiti lang si Sen. Bong sa mga naiikutan niyang lugar dahil may mga tumatawag talaga sa kanyang Tolomeee.

Kaya ipinapangako niya ?n?a pagkatapos ng eleksyon? ay magkakaroon ng season 4 ang Walang Matigas Na Pulis Sa Ma­tinik na Misis? na nagwaging Best Mini-Series sa katatapos lang na 38th Star Awards for Television.

?Pamilya ni Mr. C, apektado sa lindol sa Thailand

Nakakatakot din ang isa pang balitang pumutok nung araw ng Biyernes na kung saan tinamaan ng malakas na lindol ang ilang bansa ng Southeast Asia, ang Thailand, Myanmar at Indonesia.

Nasa Vietnam ang kaibigan namin at ka-PEP Troika na si Noel Ferrer, meron din daw paggalaw doon, pero mabuti at hindi raw nila naramdaman.

Nag-alala lang si Noel sa text message sa kanya ng National Artist Maestro Ryan Cayab­yab na nasa Thailand pala sila buong pamilya para magbakasyon.

Nagmamadali raw sina Mr C na umalis ng kanilang hotel.

Ipinorward sa amin ni Noel ang text sa kanya ni Mr. C.

“Yes. Naka ready na kami to leave pero walang transport. Seems like there is trouble in the roads system for now.

“Kahit hindi kami umabot sa flight, i think it is important that we get to the airport and decide what to do. Just buy a new ticket pauwi.?

“Yun nga lang, wala talagang masakyan.”

Kaya patuloy lang tayo sa pananalangin para maging ligtas lang tayo palagi.