Chuckie,hindi pa limot ang naging problema sa pera sa mga magulang


Isa si Chuckie Dreyfus sa mga pinakasikat na child star noong dekada ‘80s. Bilang bata pa lamang nagsimula sa show business ay hindi raw alam ng aktor kung paano hinawakan ng mga magulang ang kanyang mga kinikita noon mula sa kabi-kabilang trabaho.

Naging dahilan umano ito ng pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ni Chuckie at ng mga magulang. “It was okay. At first, I don’t know how my finances are being handled. What I normally do is, kapag may taping or what, kapag sweldo, I will just get a certain percentage of that. Kasi bata ako, pambili ng laruan mo, pang-gimik. And the rest, my parents will take care of that. I asked for an accounting, I can’t really say they gave me an accurate accounting of it. Naging point din ‘yon na nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. Naging strained eh, binitbit ko siya hanggang sa dulo. Not going to specifics but in my mind sabi ko, I needed to have closure (bago namayapa ang mga magulang),” makahulugang pagbabahagi sa amin ni Chuckie sa Fast Talk with Boy Abunda.

Naging masinop ang aktor sa pera dahil sa mga naranasan noong kanyang kabataan. Pinapangaralan din ni Chuckie ang dalawang anak tungkol sa paghawak ng salapi. “Maingat na maingat, I’m very, very thankful I have a wife who really manages our finances properly. Maybe for what it’s worth, nai-pass down ko sa mga anak ko ang mga pangaral na, ‘Make sure makaipon ka,’ like my son is working now. My wife and I don’t touch his money. But we always ask, ipakita mo na meron kang naitatabi. I’m an open book sa aking mga anak. Alam nila ang pinagdaanan ko, alam nila ang pinagsisihan ko. Alam nila ang struggles ko with my parents,” paglalahad ng dating child star.

Malaki umano ang pagkakaiba ni Chuckie sa ama at ina pagdating sa pagiging magulang. “I’d become a better friend to my children because in contrast to how I grew up with my parents, old fashioned, parang authority talaga. Whether I’m right or wrong, ako ang magulang, ako ang tama. My wife and I wanted to change that. So, I’m more doting, mas open kami. Say sorry whenever you need to say sorry. We acknowledge our mistakes,” paliwanag ng aktor.

Samantala, nakuwestiyon ang sekswalidad ni Chuckie lalo na noong binata pa lamang. Pumutok ang balitang bading diumano ang aktor dahil sa malamyang kilos noon. “Yes, especially back in the day, ‘80s, ‘90s. It’s so accepted now. It doesn’t really matter. Noong una nagtataka ako, bakit ba? First, issue ba if you’re gay or not? Because lumabas ‘yung balita noong bata ako na medyo lalamya-lamya akong kumilos. Of course not, eh gano’n lang ako kumilos eh. Even my wife now, blind date kasi kami no’n eh. We were hooked up to date. Naalala ko pa ang sabi daw is, ‘Ayoko do’n kasi ‘di ba bading ‘yon? Iba na lang,’ eh wala nang choice no’ng time na ‘yon. So pinatunayan ko sa kanya, nauna ang anak. Masyado kong pinatunayan,” natatawang kwento ni Chuckie. (Reports from JCC)