Ibang sexy star, nagmo-moonlight bilang escort girl


SHOW-MY — Salve Asis — Pilipino Star Ngayon

September 26, 2025 | 12:00am

Nagmo-moonlight diumano ang isang sexy star as escort girl.

Yup, sa mga businessman daw ito rumaraket for P100k per escort.

Eh may karelasyon pala si sexy star.

Kaya raw naloloka ang ibang friends ng karelasyon nito.

Pero ayun na nga, hanggang na-expose na ang pagmo-moonlight ng sexy star.

Nalaman na rin daw ng jowa kaya ngayon split na sila.

Sabagay marami namang sexy star ang nagmo-moonlight sa pagiging escort girl.

Mas mabilis daw kasi ang kita.

Eh sa mga contractor kaya nakapag-escort na sila?

Alamat member at MIFF supporting actor, pasado sa bagets: The Musical

Nakatakdang buhayin ni Tomas Rodriguez ng Alamat at aktor ng Song of the Fireflies na si Noel Comia Jr. ang karakter ni Gilbert sa nalalapit na Bagets: The Musical.

Ang papel ay orihinal na ginampanan ni Herbert Bautista sa 1984 coming-of-age flick na dinirek ng namayapang si Maryo J. de los Reyes.

Bukod kay Herbert, pinagbidahan din ang pelikula nina William Martinez, J.C. Bonnin, Raymond Lauchengco at Aga Muhlach.

Sinusundan ng kuwento ang buhay ng limang teenager na lalaki habang sila ay nagbo-bloom, habang nakikibaka sa mga isyu sa pamilya at pagkakaibigan, pati na rin sa mga usapin ng puso.

Nakatakdang magbukas ang musical sa Jan. 23, 2026 sa Newport Performing Arts Theater. Ito ay pinamumunuan ng Philippine Educational Theater Association (PETA) director Maribel Legarda (Rak of Aegis) at isinulat ng artistic director at award-winning na screenwriter ng PETA na si J-mee Katanyag (Lilet Matias, Attorney-at-Law, Maria Clara at Ibarra).

Ito ay pinagsamang produksyon ng Newport World Resorts, Viva Communications Inc. at Next ng Philstar Media Group kasama ang PETA PLUS bilang creative producer.

Si Vince Lim ang musical director.

Ang mga tiket ay ibebenta simula sa Oktubre 15.

Habang ang Bagets: The Musical ang magsisilbing debut ni Tomas sa teatro, si Noel naman ay bata  pa lang ay nakakasali na sa mga stage play.

Unang nakipagsapalaran si Tomas sa showbiz noong 2015 sa pamamagitan ng Pinoy Big Brother (PBB): 737 Teen Edition kung saan Franco ang kanyang stage name bago siya sumali sa P-pop group na Alamat noong 2020. Pangatlo siya sa kanyang PBB batchmates.

Ang Bicolano actor at performer ay lumabas na rin sa mga pelikula, tulad ng Expensive Candy, Girlfriend Na, Pwede Na at The Ship Show. 

“I’m very amazed because this is a different (field) and needs a different set of skills. That’s why I want to learn more from our coaches here. It’s a huge help for me because art is a big deal for me,” ayon kay Tomas sa interview na lumabas sa PhilSTAR kamakailan.

Napanood na niya ang orihinal na pelikulang Bagets, na fan ang kanyang ina.

Dahil sa pagkakataon, gusto niyang makilala nang personal si Herbert para humingi ng tips kung paano mas mahusay na gampanan ang kanyang papel.

“Aside from ka-cute-an, my butt kasi nagkaroon akong skincare because magpapakita ng butt si Gilbert,” pagbibiro ni Tomas sa kung anong aabangan sa kanya sa naturang palabas na debut project din ng Next sa Teatro.

Habang si Noel ay nakapasok sa showbiz sa murang edad, six years old. Una siyang nag-audition para sa isang milk commercial at pinasok niya ang mundo ng teatro pagkatapos nito.

Lumahok siya sa Kids Acts Philippines (TheCampArt Performing School) bilang isang iskolar at lumabas sa maraming produksyon, kabilang ang mga Silver Lining, Buruguduystunstugudunstuy at Jepoy and the Magic Circle. 

Bahagi rin siya ng team ni Lea Salonga sa The Voice Kids Philippines Season 3.

Nakamit ni Noel ang ilang acting awards kamakailan lang, tinanghal siyang Best Supporting Actor sa Manila International Film Festival 2025 para sa kanyang pagganap bilang Herbert sa Song of the Fireflies at Best Actor Award sa Cinemalaya 2017 para sa kanyang role sa Kiko Boksingero. 

Ginampanan din niya ang papel ng batang si Carlo Aquino sa remake ng Pilipinas ng It’s Okay to Not Be Okay, Luis sa Incognito at Niño sa TV5 drama series na Niña Niño.

Sa mga darating na araw ay ipapakilala na ang ibang mga nakapasa sa audition na bibida sa Bagets: The Musical.