Converge kumonekta ng panalo | Pilipino Star Ngayon


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

October 12, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi nagkamali ang Converge sa pagkuha kay No. 2 pick overall Juan Gomez de Liaño sa nakaraang PBA Season 50 Rookie Draft.

Kumolekta si de Liaño ng triple-double na 15 points, 10 rebounds at 11 assists sa 129-92 pagmasaker ng FibeXers sa Titan Ultra Giant Risers sa Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Montalban, Rizal.

Humakot si center Justin Arana ng 28 points at 22 rebounds para sa unang panalo ni Pampanga Vice-Governor Dennis ‘Delta’ Pineda bilang PBA head coach ng Converge.

“I asked the coaches if I could just play my game and I’m glad they allowed me,” wika ng 25-anyos na dating kamador ng University of the Philippines Figh­ting Maroons sa UAAP.

Nagdagdag si Schonny Winston ng 16 points habang may 15 at 12 mar­kers sina Justin Baltazar at Kevin Racal, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Joshua Munzon ang Titan Ultra sa kanyang 31 points.

Nagkaroon si veteran forward Calvin Abueva ng injury at hindi na natapos ang laro kung saan nabaon ang Giant Risers, nagmula sa 100-96 panalo sa Meralco Bolts noong Miyerkules, sa halftime, 41-60.

Ang dalawang sunod na three-point shots ni Racal kasunod ang triple ni de Liaño ang nagbigay sa FiberXers ng 20-point lead, 47-27, sa 7:06 minuto ng third period.

Umiskor naman si Alex Stockton para lalo pang ilayo ang Converge sa 113-79 sa 5:10 minuto ng fourth quarter.

Mula rito ay hindi na nakalapit ang Titan Ultra.