Cristine, kinumpirma ang relasyon kay Gio Tingson!


RATED A — Aster Amoyo — Pilipino Star Ngayon

August 31, 2025 | 12:00am

Bago pa man ang nakaraang national and local elections ay tila may problema na ang relasyon ng Viva singer-actress na si Cristine Reyes at ang kanyang kapwa co-Viva actor na si Marco Gumabao who lost his political bid bilang kongresista ng ika-4th district ng Camarines Sur.

But neither of the two ay hindi nagsalita na may kinalaman sa kanilang hiwalayan.

“Sa amin na lang ‘yon but we’re super okey,” pahayag ni Cristine sa isang panayam.

Inamin din ng nakababatang kapatid ng singer-actress at entrepreneur na si Ara Mina that she’s currently in a relationship sa isang non-showbiz guy. Although hindi niya ito pinangalanan, ang guy na itinuturo ay ang dating chairman ng National Youth Commission na si Gio Tingson.

Nakitang namasyal ang dalawa kasama ang ilang kaibigan kamakailan lamang sa Vietnam.

Since non-showbiz ang bagong guy na nauugnay kay Cristine, mas gusto ng singer-actress na maging pribado ang kanilang relasyon unlike her past relationships.

Enrique, hinahanapan din ng bagong trabaho

Starting next week ay magsisimula nang mag-taping ang cast ng upcoming TV series na pinamagatang Undercover under Dreamscape Entertainment for ABS-CBN. Ito’y tinatampukan ng first team-up nina Kathryn Bernardo at James Reid with Maja Salvador.

Ang bagong TV project ay magsisilbing TV comeback in a series nina Kathryn at James maging si Maja sa bakuran ng ABS-CBN.

Tila graduate na pareho sina Kathryn at James sa loveteam era matapos mabuwag ang kanilang tambalan with their real ex-partners na sina Daniel Padilla at Nadine Lustre.

Alam ng marami na ang nakababatang kapatid ni Yassi Pressman na si Issa Pressman ang nobya ngayon ni James kaya malabo itong ma-link kay Kathryn na hanggang ngayon ay tila mystery sa marami kung may boyfriend ito o nananatiling single since her breakup with Daniel in November 2023.

Samantala, hanggang ngayon naman ay naghihintay pa rin ang fans ni Enrique Gil kung kelan ito magbabalik-TV after his breakup with his former girlfriend at dating ka-loveteam na si Liza Soberano.

Sa rami ng bagong puwedeng ipareha kay Enrique, matagal na sana ito nakagawa ng bagong serye.