Curry bumandera sa Warriors laban sa Lakers


LOS ANGELES — Nagsalpak si Stephen Curry ng 37 points, habang nagdagdag ng 28 markers si Brandin Podziemski sa 123-116 pagdaig ng Golden State Warriors sa Lakers sa isang potential first-round playoff preview.

Kumonekta si Curry ng apat na three-point shots at may career-high na walong triples si Podziemski para sa ikaapat na sunod na rat­sada ng Golden State (45-31).

Nagmula si Curry sa isang 52-point effort, tam­pok ang 12 triples sa ka­nilang panalo sa Memphis Grizzlies noong Martes.

Humakot si LeBron James ng 33 points kasu­nod ang 31 markers ni Austin Reaves na nagpasok ng siyam na tres sa panig ng Los Angeles (46-30).

Nag-ambag si Rui Ha­chimura ng 24 points at may 19 markers si Luke Don­cic para sa Lakers na nakalapit sa 99-105 sa dulo ng fourth period.

Ang dalawang free throws ni Curry ang nagbi­gay sa Warriors ng 123-116 bentahe para selyuhan ang panalo.

Sa Philadelphia, hinirang si Giannis Anteto­kounmpo bilang unang pla­yer sa NBA history na nag­tumpok ng 35 points, 17 rebounds at career-high 20 assists sa 126-113 pagsuwag ng Milwaukee Bucks (42-34) sa 76ers (23-54).

Sa Miami, ipinasok ni Ja Morant ang isang 12-foot jumper sa pagtunog ng final buzzer sa 110-108 pagtakas ng Grizzlies (45-32) sa Heat (35-42) na napigilan ang six-game winning run.

Sa Washington, huma­kot si Paolo Banchero ng 33 points, career-high 18 rebounds at 8 assists sa 109-97 pagbugbog ng Orlando Magic (38-40) sa na­patalsik nang Wizards (17-60).