Daniel, nagkalat ang billboard sa Korea


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 2, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Sosyal si Daniel Padilla. Ilang oras lang matapos bumalik mula sa United States, bumalik ang actor sa airport para lumipad papuntang South Korea para tanggapin ang Outstanding Asian Star award para sa kanyang pagganap sa Incognito sa 2025 Seoul International Drama Awards.

Sa interview ng ABS-CBN ay nagpasalamat siya sa kanyang supporters. “I’d like to thank the supporters. Sila ay nagpadala sa akin doon. Ako lang ay tatanggap ng award,” sabi niya.

“Kakabalik lang namin. Sobrang saya. It was very good to see mga kababayan namin. Sobrang enjoy ng shows. I’d like to thank everyone who came and enjoyed the show,” dagdag.

At napaghandaan ng fans ang kanyang paglipad doon. Mayroon daw siyang limang billboard sa South Korea at isa sa kahabaan ng EDSA Guadalupe na magkakaroon pa nang live nang sabay-sabay para sa nasabing panalo ni Daniel.

Kabilang sa mga lokasyon ng billboard ang KES Hall sa Yeouido, Banpo Hangang Park, Songpa Naru Park, Yujn Building at isang LED truck sa SDA venue.