Daniel, niregaluhan ang sarili ng luxury car


May bagong car si Daniel Padilla, bumili ang aktor ng 2025 Land Cruiser 76 at tama ang fans, astig at guwapo ang datingan ng sasakyan. Nag-Google kami to know kung magkano ang halaga ng ganung klase ng sasakyan at sabi ng Google, more than 5M ang worth nito. S

Sana tama kami.

Masaya ang fans ni Daniel na may bago siyang car, deserve raw niya ito dahil masipag siya at parang regalo ito sa sarili after ng Incognito.

Dagdag pa ng fans, mas sisipagin nitong magtrabaho ang aktor dahil nakikitang may magandang kapalit ang kanyang kasipagan.

May basher lang si Daniel, iniintriga ito na kinailangan pa raw magbenta ng isa niyang sasakyan para makabili ng bago. Kinorek ng fans ni Daniel ang bashers nito, nauna raw siyang makabili ng sasakyan bago pa siya nagbenta ng isa pa niyang sasakyan.

‘Kaloka ang bashers ni Daniel, ayaw itong tigilan nang pamba-bash. Hindi na lang hayaang maging masaya ang aktor.

Anyway, totoo kaya ang tsika na may next project sina Daniel at Kaila Estrada na unang napanood sa Incognito. Natuwa rito ang shippers ng dalawa at ibig daw sabihin, tuloy ang pagsi-ship nila sa dalawa at ang wish pa nga, pagtambalin din sila sa pelikula para raw tuloy ang paglayag ng kanilang tambalan.

Jolina, hindi kinayang harapin si Park Seo Joon

Na- bash si Jolina Magdangal dahil lang na share ang pinalampas na chance na makalapit at makapagtanong sa Sout Korean superstar na si Park Seo Joon.

Na-post ni Jolina sa Instagram ang kanyan experience fan meet ni PSJ sa Smart Araneta Coliseum.

“Haaaay!!! Ang hirap talaga magsisi at mag regret. Share ko lang… i had a chance to ask and talk to @bn_sj2013 nung may pinipili sila sa audience… pero sa sooooobrang hiya ko… nag pass ako at yung girl sa harap ko ang gumawa (sana nakadagdag ako sa kasiyahan ni ate girl).

“Pag-uwi ko nag aaway yung heart ko sa kilig at panghihinayang. Haaay talaga! Pero i think nangibabaw ang kilig.

“P.s.

“Eto lang yung mga picture na nakunan ko kasi sa sobrang kilig, di ko mafocus yung phone. Haha!”

‘Kaloka ang nag-comment ng ‘wag daw sisihin ni Jolina si PSJ at sisihin niya ang kanyang sarili kung bakit hindi siya nakalapit sa aktor. Huwag din daw siya mainggit sa fan na pumalit sa kanya na siya pa nga ang nag-suggest na ito na ang umakyat.

Anyway, mas marami naman ang masaya para kay Jolina kahit hindi siya nakaakyat at makausap si PSJ. Marami rin ang nag-congratulate sa kanya na makita in person ang favorite niyang Korean actor.

ShuKla, bigtime ang bagong endorsement

Ikinalungkot ng fans ni Shuvee Etrata ang announcement na absent siya sa pa rin siya sa It’s Showtime today hanggang bukas. Sa Saturday na siya muling mapapanood.

One week dapat guest si Shuvee, kaya lang nagkaroon siya ng schedule na feeling ng supporters nito, may kinaalaman sa endorsement. Sunud-sunod ang dating ng endorsement sa Sparkle artist at may photo shoot o TVC shoot siguro ito.

Sila lang ni Klarisse de Guzman ang nasama na kinuha ng isang brand na nagiging daan ng bashing sa kanila.

Hindi daw dapat kasama ang ShukLa Duo dahil hindi naman sila kasama sa Big 4 ng PBB. Ang dapat daw na may endorsement ay ang Azver Duo nina Az Martinez at River Joseph. Tapos na ang PBB, pero tuloy pa rin ang puksaan ng fans nina Az at Shuvee.