Dapat may managot sa pagbagsak ng tulay

Binisita ni President Ferdinand Marcos Jr. ang bumagsak na Cabagan-Sta Maria Bridge sa Isabela noong Hu­webes. Bumagsak ang tulay noong Pebrero 27 makaraang dumaan ang truck na may kargang bato na may bigat na 100 tonelada.

Sinisi ni Marcos Jr. ang mahinang desenyo ng tulay kaya raw bumagsak. Wala rin daw mga kable ang tulay. Noon lang daw siya nakakita ng tulay sa buong mundo na walang mga kable na nagsusuporta. Mariing sinabi ni Marcos na may mananagot sa pagbagsak ng tulay. Una na niyang sinabi noon na may “gugulong na ulo”.

Ayon pa kay Marcos, ang dating panukalang budget ay P1.8 bilyon subalit tinapyasan ng P1 bilyon. Ayon sa chart na ipinakita sa media sinimulan ang first phase noong 2014 na ginastusan ng P450 milyon.  Ang second phase ay noong 2016 na ginastusan ng P235 milyon at ang third phase ay noong 2019 na ginastusan ng P149 milyon.

Hindi muna ito binuksan sa mga motorista matapos mapuna ang mga bitak kaya  muling isinailalim sa retrofitting sa halagang P275 milyon at muling isinalang sa final na retrofitting noong 2024 na nagkakahalaga ng P235 milyon. Umabot sa P1.3 bilyon ang kabuuang nagasta sa tulay.

Napansin ko na pangiti-ngiti lamang si DPWH secretary Manuel Bonoan. Malaki ang hinala ko na alam niya ang kabulastugan sa naturang proyekto. Palagay ko, may ma­papanagot ding mga local official ng Isabela dahil sa pagbagsak ng tulay.

Bakit kasi pinayagang dumaan ang truck na may kar­gang bato gayung light vehicles lang dapat. At saka dapat may mga taong nangangasiwa kung ang mga dadaang sasakyan ay sobra-sobra ang load.

Tiyak ko, magbabayad nang malaki ang may-ari ng truck dahil sa pagbagsak ng tulay. Mabigat ang kahaharapin niyang pananagutan sa pagbagsak ng P1.3 bilyong tulay.