October 19, 2025 | 12:00am
Hindi lang pala si dating Department of Public Works and Highways – Bulacan Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez ang kinasuhan ng perjury ni Sen. Jinggoy Estrada matapos nitong iugnay ang senador sa mga maanomalyang infrastracture projects.
Maging ang former actor na si Robby Tarroza ay sinampahan na rin ng reklamo ni Sen. Jinggoy.
Hindi pa nga lang daw mai-serve ang demanda sa dating actor sa kasalukuyan dahil nasa Amerika ito ngayon.
Maaalalang parang pinagbantaan ng dating aktor si Senador Jinggoy na may ilalabas umano siya tungkol sa “double life” nito kapag hindi ito nag-resign bilang senador.
Sa isang Facebook post noong Setyembre 12 ng former actor, maanghang na pahayag ang binitawan nito:
“Jinggoy mag resign ka na!!! kundi i will be forced to tell the country about your double life!!! You are one of the reasons bat kami naghiwalay. i have ALL the receipts dear. Try me! pareho lang kayo ng EX ko…, B-B-Y!!”
Sa sunod na Facebook post nito noong Sept. 13, sinabi ni Robby Tarroza na diumano’y nakatanggap siya ng death threats
Nakalimutan na nga diumano ng senador kung sino si Robby Tarroza kaya nagulat daw ito sa mga sinasabi nito.
Anyway, maaalalang nanawagan naman para sa isang lie-detector test si Sen. Jinggoy kay Brice Hernandez upang matukoy kung sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo.
Sinabi ni Sen. Estrada na walang basehan ang alegasyon na nakakuha siya ng P355 milyon sa infrastructure deals sa Bulacan, dahil anumang line item mula sa General Appropriations Act ay maaari raw maiugnay sa sinumang senador.
And speaking of Brice Hernandez, grabe palang mag-shopping ito.
Ayon sa isang insider, number one buyer ito sa bansa ng luxury brand na Dior.
Ganun daw talaga ito ka-bigtime.
Ito raw ang nag-take over nang pumanaw ang isang mayamang negosyante na number 1 buyer sa Pilipinas ng nasabing brand.
Grabe siya pero parang ano na bang nangyayari sa imbestigasyon sa kanila? Parang wala pa?
