Napaisip nang husto si David Licauco noong unang nabalitaan ang tungkol sa pagtatambal nila ni Jillian Ward. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatambal ng aktor si Jillian sa isang proyekto.
“To be honest with you, the first thing na naisip ko is babagay kaya? ‘Di ba, to be completely honest, pero siyempre kahit naman sino maiisip ‘yon kung bago ‘yung makakasama mo sa isang teleserye but Jillian is such a great actress and I’d like to think na okay naman ako. So I think it will work,” paglalahad ni David sa GMA News.
Tatlumpu’t isang taong gulang na ngayon ang binata habang 20 taong gulang naman ang aktres. Para kay David ay hindi na dapat gawing isyu pa ang malaking agwat ng kanilang edad ni Jillian. “Well, mukha pa naman kasi akong 19 eh. Joke lang,” pagbibiro ng nakilalang Pambansang Ginoo.
Samantala, umaasa si Jillian na maraming matututunan mula kay David pagdating sa trabaho at personal na buhay.
Ayon sa aktres ay hindi na siya nakaramdam ng pagkailang kay David. “Parang wala naman po lalo na especially ako. Ang dami ko na rin pong naka-work na all ages, iba-ibang age so far. Feeling ko may matututunan ako sa kanya. For sure mas marami siyang alam compared sa akin. So, I wanna learn from him,” nakangiting pahayag ni Jillian.
Jameson, nagulat sa kabaitan ni Barbie
Madalas na nakikitang magkasama ngayon sina Barbie Forteza at Jameson Blake sa mga event. Matatandaang nagkaroon ng mga ispekulasyon ang netizens na mayroon nang espesyal na namamagitan kina Jameson at Barbie nang makitang magkasama sa isang fun run kamakailan. “We’re just friends. It’s too early pa. I enjoy my time with her. She’s really nice and very professional din,” paglilinaw ni Jameson.
Inamin sa amin ni Barbie kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda na talagang magkaibigan lamang sila ng aktor. Ayon naman kay Jameson ay masyado pang maaga para sabihin kung saan patungo ang kanilang mabuting pagkakaibigan. “We’re just friends. It’s too early pa. I enjoy my time with her. She’s really nice and very professional din. I mean, naging close kami in a short span of time and I like it. It’s a good sign and she’s a good person,” makahulugang paliwanag ng binata.
Madalas ngayong nagkakasama sina Jameson at Barbie sa pagwo-workout. Nagulat umano ang binata sa pagiging mabait ng Kapuso actress.
“Nagulat din ako. Mabait talaga siya. We’re trying to spend time working out. ‘Pag may mga runs, we join the run and it’s a new hobby together. It’s something new. I’m just happy na I got to meet her and magandang project din ‘yung ginawa namin,” pagbabahagi ng aktor. — Reports from JCC
