Isa si Inigo Pascual sa mga featured artist sa Star Magic Spotlight presscon ngayong May, na ginanap sa Coffee Project sa Wil Tower, Quezon City.
At masayang ibinahagi ng actor at singer-songwriter ang kanyang mga karanasan sa pag-arte at sa musika.
Kamakailan ay nagbida ang binata sa Joel Lamangan film na Fatherland at ikinuwento niya na humihingi siya ng tips sa kanyang amang si Piolo Pascual.“Lagi ako nagtatanong kay Papa lalo na dun sa mga heavy drama scenes na kailangan ko talagang ibigay ang todo. Nagtatanong ako sa kanya ano bang dapat kong isipin—kung ‘yung personal pain ko ba or should I be the character? And my dad says, ‘whatever works for you and whatever works in that situation,” kuwento ni Inigo.
Bukod sa mga acting project niya sa Pilipinas, aktibo rin si Inigo sa international scene.
Isa siya sa mga naging cast ng American musical drama na Monarch. Nabanggit niya rin ang kanyang mga karanasan sa pag-audition abroad: “Whenever I say auditions, hindi po ibig sabihin nu’n lagi kang natatanggap. And for me, I’m happy that I get to do the auditions. And mahirap. Mahirap po talaga—imagine n’yo po, kung dito sa Philippines mahirap nang maging artista, imagine n’yo sa America. Mas marami kang makakalaban and mas marami silang options,” pag-amin pa niya.
At nung kausap namin siya, ang bilang niya ay nag-audition niya sa 25 shows na hindi siya umaasang makukuha niya kaagad ang role.
Pero sinabi rin ni Inigo na gusto niyang ipagpatuloy ang career dito sa bansa, “When I say I do a lot of auditions, it means I’m just taking my chance and seeing how far I can go in my career in the States. Pero sa akin, hindi ibig sabihin nu’n na doon lang ‘yung magiging gusto kong career. I still want to do my career out here in the Philippines,” katwiran ng nag-iisang anak ni Papa Pi.
“This is home to me. No matter what projects I get to do in another place, in another country, ito pa rin ‘yung bahay ko,” dagdag niya.
Siyempre, tuluy-tuloy rin ang music career ni Inigo. Na-release na ang kanyang album na The HeartbreakTrilogy. Ibinahagi niya ang plano niya sa musika, at sinabi, “Ngayon nasa proseso po ako na gumagawa po ako ng mga kanta. And this year, I’m doing something different with my music. I think I’m going to go back to my roots and kind of go back to the sound of Dahil Sayo. So abangan po natin ‘yan.”
Nabanggit din ni Inigo ang kanyang mga plano sa business na nagpapa-excite sa binata, “I’m starting a business this year. I’m going to be making more rug designs. And I’m also going to come up with a new brand that’s coming out very soon. Mga hygiene stuff. More on hygiene, more like hair products and self-care type of products — which I’ve been wanting to do for a while now.”
