September 30, 2025 | 12:00am
Itinanggi ulit ng inactive actor na si Derek Ramsay nitong Lunes ang isyung hiwalay na sila ng kanyang asawang si Ellen Adarna.
Sa Instagram Story, sinagot niya ang isang blind item na nagsa-suggest na naghiwalay na silang mag-asawa.
“I’ll just keep it very simple. There’s no truth to anything that was said. That’s it guys, that’s all I have,” sabi niya.
Matagal nang pinag-uusapang hiwalay na sila dahil base sa mga post ng mag-asawa, hindi sila magkasama sa bahay.
Malayo sa mga ipino-post nila noon na masaya at nagkukulitan kasama ang kanilang anak.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-deny si Derek sa kanyang social media account tungkol sa kanila ng misis niya.
Ganundin si Ellen Adarna.
Pero ano kayang ‘drama’ nila? Hahaha.
Samantala, hindi naitago ni Ellen ang saya nang mapansin ng F4 member Kim Bum ang isa sa mga post niya.
Super tili siya habang nasa sasakyan na may mga kasama.
Nag-upload kasi siya ng isang video ng kanyang sarili na sumasayaw at nagli-lipsync sa hit ng Meteor Garden na Jue Bu Neng Shi Qu Ni (Can’t Lose You), na may overlay na text na Learn Chinese or trust men.
At ‘yun, nagkomento ng mga emoji si Kim na nagpakilig at nagpatili ng grabe kay Ellen.
Inaaya niya pa itong pumasyal ng Pilipinas at nag-congratulate na may-asawa na ito.
Anyway, ba’t kaya ayaw linawin ng mag-asawa ang totoong status ng relasyon nila?
Pero totoo kayang nabudol si Derek ng isang kaibigan? At hindi raw birong halaga?
