Isa na marahil si Dingdong Dantes sa busiest actor-host in town. Bukod sa kanyang pagiging isang responsible family man, hindi lamang siya busy sa kanyang acting career at producer and entrepreneur kundi abala rin siya sa pagiging television host ng daily game show, ang Family Feud which was created by Mark Goodson nung 1976 and originally hosted ng actor na si Richard Dawson.
Nariyan pa ang kanyang paghu-host ng long-running weekly infotainment show, ang Amazing Earth, also on GMA umpisa noong 2018.
High school student pa lamang noon si Dingdong ay mahilig na itong sumayaw. Katunayan, bumuo sila ng all-male dance group na kanilang tinawag na Abztract Dancers kung saan niya nakasama ang pinsan niyang si Arthur Solinap (na actor na rin ngayon) at kaibigang si Nathan Dados.
Regular sila noong napapanood sa old Eat Bulaga at sa youth-oriented afternoon variety show, ang That’s Entertainment ni Kuya Germs (Moreno) na siya niyang naging pasaporte sa showbiz na ngayon ay tumatayong chairman ng AKTOR, samahan ng mga artistang Pilipino.
Si Dingdong ay 17 years old lamang nang maging bahagi siya ng youth-oriented show ng GMA, ang T.G.I.S. kung saan nabuo ang loveteam nila ni Antoinette Taus na eventually ay naging kasintahan din niya bago niya naging girlfriend si Karylle (Tatlonghari) at wife na nito ngayon na si Marian Rivera.
First movie project naman niya ang Shake, Rattle & Roll IV ng Regal Films (now Regal Entertainment).
Nagsimula naman ang kanyang pagiging host nung 2003 sa pamamagitan ng GMA reality talent search, ang StarStruck (all seasons).
And the rest is history na sa kanyang pagiging mahusay na host.
Although sa San Beda University siya nagsimulang mag-aral, he moved to Ateneo de Manila University kung saan niya tinapos ang high school. Natapos naman niya ang kanyang college degree in Business Administration major in Marketing sa West Negros University kung saan siya grumadweyt nung 2014.
Nung nakaraang Aug. 2 ay 45th birthday ni Dingdong pero nataon ito sa gala night ng GMA kung saan sila dumalo ng kanyang misis na si Marian Rivera. Nagkaroon na lamang sila ng hiwalay na celebration with his family the next day.
During our guesting sa Family Feud ay naibahagi ng Kapuso actor-host na may sisimulan umano siyang bagong serye sa GMA kung saan niya makakasama sina Shuvee Etrata at Charlie Fleming habang ang kanyang magiging leading lady ay pinagpipilian pa between Beauty Gonzalez at Max Collins.
At sa kabila ng busy schedule ni Dingdong ay parati siyang may nakalaan na oras para sa kanyang pamilya – sa kanyang wife na si Marian Rivera at mga anak na sina Zia (10) at Ziggy (6). Pero ang hindi magawa lately ni Dingdong ay mag-travel kasama ang kanyang pamilya dahil sa kanyang busy schedule.
Kung tutuusin, career-wise at maging sa family life niya ay wala na talagang mahihiling pa si Dingdong.
Awra, certified kolehiyala na
First year college na pala ang dating child actor at successful vlogger na si Awra Briguela na nag-aaral ng B.S. Psychology sa University of the East.
Si Awra ay tumatak nang husto na siya ang tanghaling grand winner ng Philippine adaptation ng Your Face Sounds Familiar Kids nung 2017. Matagal din siyang napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang child actor.
Napakalaki na ng ipinagbago ni Awra since then. He transformed into a more confident person as he is now sa guidance na rin ng kanyang nanay-nanayan na si Vice Ganda.
