Direk Joey, itinalaga ulit sa FDCP


Muling itinalaga bilang Chairman at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang filmmaker at educator na si Direk Jose Javier Reyes.

Ang muling pagtatalaga ay pormal na ginawa sa Court of Appeals, kung saan nanumpa si Chairman Reyes sa harap ni Honorable Selma Palacio-Alaras, kasama si FDCP Officer-in-Charge at Head ng Education Division na si Ms. Rica Arevalo ang nagsisilbing witness.

Si Direk Joey, na unang humawak sa tungkulin noong Abril 2024 kasunod ng pagbibitiw ni dating chairman Tirso “Pip” Cruz III, ay nagdadala sa kanya ng mga dekada ng karanasan sa industriya at isang malalim na pa­ngako sa pag-aalaga ng pelikula sa Pilipinas sa lahat ng aspeto ng pag-asenso ng pelikulang Tagalog, mula sa produksyon, hanggang sa edukasyon sa pelikula, preservation at global positioning.

Sa paggamit ng kanyang kaalaman sa industriya at hands-on na karanasan, nakatuon si Chairman Reyes sa pagsusulong ng mga inisyatiba, kabilang ang pagtatayo ng bagong tanggapan ng FDCP, at pagpapalakas ng pangako ng FDCP sa pagbibigay ng mga kasanayan at paraan upang maging world-class ang mga gumagawa ng pelikula at audiovisual workers.

“I am very happy with the trust that has been given to me. I know that the time is limited and the problems seem to be insurmountable, but that is the challenge, and I love challenges, and I am so lucky to have a team that is equally motivated to face them,” ayon kay Chairman Reyes.

Nakahanda umano siya upang pamunuan ang susunod na tatlong taon sa pag-unlad at pagbabago ng nasabing ahensiya ng pamahalaan. (SVA)