Docu film na ala-Celine Dion ni Pilita, mapapanood mula sa kanyang pagkabata; Jericho todo ang pakikiramay


Sayang at hindi pa tapos ang docu film ng Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales na kahapon ay pumanaw sa edad na 87 habang siya ay natutulog.

Kabilang si Janine Gutierrez sa mga producer ng nasabing docu film na aniya ay mala-I Am: Celine Dion ang concept.

“Iyong huling update po is nagfi-film kami ng mga snippet lang. ‘Yung huli was ‘yung birthday party ni Mamita. Meron siyang super maliit lang na birthday party. Isasama rin namin ‘yun para makilala rin ng mga tao kung sino ba talaga si Mamita behind Asia’s Queen of Songs. Kung paano siya bilang nanay at lola. How she is behind the scene,” banggit ni Janine sa isa sa huling interview namin sa kanya.

Since bata raw ang pumanaw na legendary singer uumpisahan ang nasabing docu film. “Yes. Opo. Sana po buong buhay niya. Gusto ko rin sana i-share, syempre sa ating mga kapwa Pilipino, sa mga bata (na hindi na siya masyadong kilala).”

Ididirek ito ni Baby Ruth Villarama. “Siya ‘yung director ng Sunday Beauty Queen.”

Mahaba-haba raw ang proseso nito dahil kinakalkal nila lahat ng mga material. Bagama’t marami na raw talagang binaha sa bagyong Ondoy.

“Baka next year pa po (2025). Or next next. Parang no rush. Gusto ko lang talaga na magawa nang maayos ‘yung legacy ni Mamita,” dagdag that time ni Janine.

Hindi pa nila alam noon kung sa mga sinehan or streaming platform ito ipalalabas tho nakapag-umpisa na nga sila last year pa.

“Yes, pero ano pa lang po filming and then I interviewed Mamita last year. Meron po kasing mga docu na talagang gusto ko like ‘yung recent ‘yung Celine Dion po, ‘di ba? Pinakita ‘yung buhay niya, paano siya nagsimula, her life today and her struggles.

“Parang gano’n. Na parang makita ‘yung kabuuan ng buhay niya. Kasi parang… I think ‘pag nalaman din ng mga tao ‘yung struggles ni Mamita and how hardworking she is and ‘yung rise niya to being Asia’s Queen of Songs. Sobrang nakaka-inspire kasi ‘yung kwento niya. So ‘yun din ‘yung gusto ko sana i-share sa mga tao.”

Agad namang bumaha ng pakikiramay sa pamilya ng Asia’s Queen of Songs.

Kabilang dito ang karelasyon ni Janine na si Jericho Rosales na may video pa ng lipsync ng kanyang ina: “Love (emoticon) and big hugs to the family of a legend and most beloved singer of my mother. Her songs went beyond memory.

“It was a great honor to have met her. Maraming-maraming salamat po #PilitaCoralles #AsiasQuuenOfSongs.”

Kabilang si Jericho sa iilang bisita ni Pilita Corrales sa kanyang huling birthday (Aug. 22).

Sinabi naman ni Zsa Zsa Padilla na naging inspirasyon niya si tita Pilita. Emosyonal siya sa kanyang post.

“Dearest Tita Pilita,

“It’s hard to imagine a world without you. I can still vividly hear your voice, see your beautiful face, and feel your warmth, charm, and unmatched humor. You were truly one of a kind.

“I’ll never forget the first time we worked together—what an honor it was to finally get to know you beyond the icon I had long admired. You were always so candid, so funny, so full of life. I will miss your stories deeply.

“I will forever treasure the advice you’ve shared with me. And with great sadness, I say goodbye… to my idol, my inspiration.

“Thank you for your greatness. Thank you for your songs, which will forever live in my heart. Maraming salamat. I love you, Tita.

“My deepest condolences to your family.”