DZBB, Barangay LS, tuloy ang pangunguna


Nanatiling walang kapantay ang Super Radyo DZBB 594 kHz at Barangay LS 97.1, flagship radio stations ng GMA Network sa pamamayani sa himpapawid ng Mega Manila, matapos muling tanghaling pangunahing pagpipilian ng mga tagapakinig batay sa datos ng Nielsen Radio Audience Measurement (RAM) para sa Hunyo 2025.

Muling pinatunayan ng Super Radyo DZBB 594 kHz ang pangunguna nito bilang AM radio station sa Mega Manila. Nakapagtala ito ng 45.01 percent audience share, mas mataas ng 2.4 share points kumpara noong nakaraang buwan.

Samantala, ang pinakamalapit nitong mga kakumpetensiya na DWWW 774 at DZRH Nationwide 666 ay nakakuha lamang ng audience share na 18 percent at 15.1 percent.

Mas lalo pang pinalawak ng Barangay LS 97.1 ang pamamayani nito noong Hunyo matapos makapagtala ng 56.25 percent audience share – mas mataas ng 2.52 share points kumpara noong nakaraang buwan.

Tinalo nito ang pinakamalalapit na kakumpetensiyang 90.7 Love Radio at Wish 107.5, na nagtala lamang ng audience share na 14.7 percent at 10.7 percent.

Maaari namang makinig ang mga taga­pakinig sa Super Radyo DZBB 594 kHz at Barangay LS 97.1 mula Lunes hanggang Linggo.

Samantala, maaaring makinig ang mga netizen sa mga programa ng Super Radyo DZBB sa Facebook Live at YouTube para sa latest breaking news at mahahalagang komentaryo.

Ang piling mga programa ng DZBB ay napapanood din sa GTV mula 5:30 a.m. hanggang 9:00 a.m., Lunes hanggang Sabado, sa pamamagitan ng Dobol B TV.

Para naman sa mga tagahanga ng mga dramang panradyo, maaari rin nilang pakinggan ang podcast nitong Sumasapuso sa Spotify (DZBB SUMASAPUSO).

Maaari ring i-follow at mag-subscribe ang mga listener sa official social media accounts ng Super Radyo DZBB sa Facebook (Super Radyo DZBB 594khz or @dzbb594), X (@dzbb), TikTok (@dzbb) at YouTube (@dzbb594).